Kabanata 43

8.8K 409 113
                                    

KAVANATA 43

Nakasimangot si Blue na nakahiga sa kama habang hawak-hawak ang kanyang gitara. Kakatapos lang niya nagpatugtog. Parang wala siya sa sarili. Hindi niya mapaliwanag ang kanyang nararamdaman. Biglang nawalan lang siya ng gana simula pa kaninang umaga. Kahit ipinangako niya kay Katleya na mag-aaral na siya nang mabuti, hindi niya nagawa kanina dahil wala siya sa sarili niya. Napatingin naman siya sa dingding na nasa harapan niya. Tiningnan niya ang larawan nila ni Katleya. Nasa likod pa siya nito at nakayakap sa dalaga. Naalala niya ang araw na kinunan ito sa isang studio, napagkamalan pa silang magkasintahan. Napalawak naman ang labi niyang inaalala ito, pero nawala iyon nang maalala si Amber Key Scott.

“Tama!” sigaw niya sabay bangon. Isinandal pa niya ang katawan niya.

Binuksan ni Blue ang Facebook account niya para tingnan ang profile ni Amber. Ilang segundo ang lumipas, napangiti na siya nang makita ito. Hindi ito mahirap hanapin.

“Gotcha!” ngiting-tagumpay niyang sabi.

Ang unang tiningnan ni Blue, ang 'About' nito. Nang may nakuha na siyang impormasyon tungkol dito, dumiretso na siya sa timeline ng binata. Pinindot niya ang taon na 2016 at laking gulat niya nang makita na may larawan si Amber na kayakap si Katleya. Binasa niya ang caption at nanlaki ang mga mata niya.

[Amber: Love means her.]

“Ang corny! Sh*t!” sigaw ni Blue sabay tapon ng unan niya. “W-wait? Love?!” tanong pa niya sa kanyang sa sarili.

Pumunta sa album si Blue at tiningnan ang mga pictures ni Amber. Mas nanlaki ang mga mata niya nang makita ang larawan nito na kasama si Katleya. Bumalik siya sa timeline nito at scroll lang siya nang scroll hanggang sa napahinto siya nang makita ang...

Amber Key W. Scott is in a relationship with Katleya Yellownora Marie C. Quizo’.

Napanga-nga si Blue nang maalala ang sinabi ni Katleya noon sa cafeteria na may isa siyang naging kasintahan. At naghiwalay sila dahil sa nalaman niya na siya pala ang gusto dahil binabae ito. Sinabi rin ni Katleya noon na pumunta ito sa America at doon na tumira. Napangiti ang binata nang maalala ang nangyari kanina sa cafeteria.

“Boom! Kaya ka pala hindi nagalit sa akin dahil sa crush mo ako. Sabi ko na barbie!” natatawang sabi ni Blue.

Napatigil ito sa pagtawa nang maalala kung bakit nandito itong si Amber sa Pilipinas. Ang sinabi sa kanya ni Katleya, nag-migrate na ito sa Amerika. Napakamot siya sa ulo habang pinindot ang taong '2018' sa timeline. May pagtataka naman sa mukha niya nang malaman na sa taong 2018, nandito pa rin sa Pilipinas ang binata.

“Nagsinungaling kaya si Katleya?” tanong ni Blue sa kanyang sarili.

Pinindot niya ang 'add friend' kay Amber at wala pang isang minuto, accepted na ang friend request niya. Napataas-kilay siya nang mag-post ito ng larawan na kasama ang pamilya ni Katleya. Hindi siya nagdalawang-isip na pindutin ang angry emoticon. Pagkatapos, huminga na siya nang malalim bago pinatay ang phone niya.

•••

“Ka?” sambit ni Amber.

Magkasama sina Amber at Katleya sa bahay ng dalaga. Humingi kasi si Amber ng kapatawaran sa pamilya ni Katleya dahil sa nagawa niya noon. Pinatawad din naman siya nang nalaman kung ano talaga ang totoong nangyari.

Nandito sila sa sala. Hindi naman maitago ang saya ni Amber dahil matagal na siyang nangungulila na makabalik sa tahanan ng babaeng naging parte ng buhay niya.

“Bakit?” sagot ni Katleya.

“Nag angry si Blue sa pictures natin,” nakangiting sabi ni Amber habang tinitingnan si Katleya.

FATED TO F*CK YOU✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon