Kabanata 6

16.8K 667 128
                                    

KABANATA 6

“Miss Kat!” pagtawag ng kaklase ni Katleya. Sa tunog ng boses nito, may halong excitement.

Napatigil sa pag-type sa laptop si Katleya at tiningnan ang kaklaseng tumawag sa kanya. Napakunot-noo naman ito nang makitang kinikilig ang kaklase niya habang may tinuturo gamit ang nguso nito. Sinundan niya nang tingin ang nguso ng kaklase. Laking gulat niya na nasa tabi niya ang bagong kaibigan.

“Gulat mo mukha mo!” bungad nito. Napatawa pa ito dahil sa reaksyon ng dalaga.

“Ginulat mo naman ako, Blue. In all fairness, mukhang mabait ang mukha mo ngayon kahit nanggugulat ka,” nakangiting sabi ni Katleya.

“Grabe ito.” Napakamot sa ulo ang binata. “Lunch with me?"

“Sure. Ngayon na ba?”

Napatingin ang binata sa laptop ng dalaga. “Report mo ba 'yan?”

“Oo.”

Umusug ang binata rito at kinuha ang laptop ni Katleya. “Ako na ang gagawa.”

“Alam mo ba 'yan?” takang tanong ni Katleya.

“Watch me,” nakangiting sagot ng binata.

Ipinagpatuloy na ng binata ang ginagawa ni Katleya kanina. Habang tinitingnan ito ni Katleya, hindi niya mapigilan ang sarili na hindi mamangha rito. Kahit wala itong libro na binabasa, alam nito ang paksang tinatalakay. Sampung minuto ang lumipas, tumayo na ang binata nang natapos ito sa ginawa niya. Pagkatapos, kinuha niya ang bag ni Katleya at inilagay niya iyon sa balikat niya.

“Tara na. Ako na ang magdala nito.”

Napangiti namang tinitingnan ni Katleya ang binata nang matuklasan na meron pala itong tinatagong talino. Ibinaling na niya ang tingin sa laptop at pinatay ito. Pagkatapos, inilagay na niya ito sa lalagyan at iniwan. Pagkatayo niya, agad siyang inakbayan ng binata.

“Ang sweet naman ng best friend ko. Sana sweet din iyong kambal mo. Isang malaking sana,” si Katleya.

“Sweet iyon. Nahihiya lang siya sa iyo.”

“Bakit siya mahihiya sa akin? Ako naman ang may gusto sa kanya.”

Napangiti ang binata. “Gusto mo talaga siya, Kat? Ano bang nagustuhan mo sa kumag na 'yon? E, ang suplado niyon?”

“All about him.”

Muling napangiti ang binata sabay pisil sa pisngi ni Katleya. “Ayiehhh. Kinikilig ako.”

“Basta support ka lang sa amin, Blue.”

“Lagi.”

Nagsimula nang humakbang ang dalawa palabas ng classroom. Minuto ang lumipas, nasa loob na sila ng elevator para bumaba. Sakto namang wala silang kasama sa loob. Pinindot na ng binata ang numero uno at hinintay na lang ang pagbaba nito.

“Totoo ba iyong narinig ko kagabi sa phone?” tanong ni Katleya.

“Ang ano?” takang tanong ng binata.

“Iyong kalokuhan ng kambal mo.”

Hindi makasagot ang binata at nagsilabasan lahat ang kanyang pawis. Para bang kagagaling lang nito sa ehersisyo.

“Blue,” sambit ni Katleya nang napansin ang pagkatulala ng binata.

“A-ano nga iyon?”

Bumukas na ang elevator kaya lumabas na silang dalawa...

“Sabi ko, totoo ba iyong sinabi mo sa kambal mo? Iyong nagsasa...” Hindi na makapagsalita si Katleya dahil tinakpan ng binata ang bibig niya.

“Don't talk too much, okay?” Tinanggal na ng binata ang kamay niya.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now