Kabanata 2

26.1K 815 343
                                    

KABANATA 2


“Sssh. Huwag kang umungol, Selena. Pigilan mo. Baka makita tayo ng rumurondang guard sa paligid,” pagpapa-alala ni Blue bago ipapasok ang pagkalalaki niya sa basang hiyas ni Selena.

Nasa field ng university ang magkakaibigang sina Blue, Green, at Grey. Kasama nila ang babaeng bagong pinagsasaluhan. Nakaugalian na nila itong gawin lalo pa at madali lang nilang nakukuha ang mga gusto nila.

Apat silang magkakaibigan at kasama nila sa grupo si Red. Ngunit iba ang hilig ng binatang iyon. Kaya kapag may ganitong aktibidades ang tatlo, hindi na lang nila ito inaaya dahil imposible naman iyong sumama.

Nang tagumpay nang napasok ni Blue ang lagusan ng dalaga, napangiti siya dahil sa sobrang sarap ng kanyang nararamdaman. Masikip kasi ang hiyas nito at sobrang init kaya iba ang epekto nito sa kanya. Dahan-dahan na siyang bumayo kaya gumagawa na ng ingay si Selena.

Sa gitna nang pagtatalik ng mga magbabarkada, napatigil sila nang may narinig na yabag ng paa na paparating. Hindi nila ito makita dahil nasa gitna sila ng field, walang anumang ilaw ang makikita.

“Sino 'yan?” tanong ng isang lalaki.

Nataranta ang lahat maliban kay Blue na parang wala lang.

“Meow,” tunog pusang sabi ni Blue. “Meow. Meow. Meow,” dugtong pa nito habang pinipigilan ang pagtawa.

“Aso lang pala,” anang guard na napakamot sa ulo.

Tumawa nang napakalakas si Blue dahil sa narinig. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili.

“Aso raw? Meow! Meow! Meow!” pagtahol niya na parang aso gamit ang salitang ‘meow’.

“Sino 'yan? Ano ang ginagawa niyo rito? Gabi na. Umuwi na kayo!” pagpapa-alala ng guard na walang malay sa ginagawa ng mga ito.

“Wait lang guard. Hindi pa ako nilalabasan. Si Blue po ito,” kaswal na sabi nito.

“Ano ang ginagawa mo riyan?”

“Nakikipagbakbakan po, balat sa balat. Sige na po, umalis ka na muna po.”

“Sir Blue, malalagot ako nito sa kambal mo, baka itatanong niya ito sa akin,” pagpapaalala ng guard.

“Edi 'wag mong sabihin po. Boss mo rin ako, ‘di ba? Go na po! Sigaw ko with respect!” Nilakasan pa nito ang kanyang boses para matakot ang guard.

Napailing-iling na lang ang guard dahil wala siyang magagawa. Umalis na lang ito nang mapayapa.

Nagtawan naman ang apat nang tagumpay na umalis ang guard. Pero napatigil sa pagtawa si Selena nang biniglang ipasok ni Blue ang pagkalalaki niya nang walang hudyat.

“Urghhh,” pag-inda ni Selena sa sakit.

“Gentle f*ck is good but ungentle f*ck is way better,” anang Blue sabay bayo nang mabilis. “Sumigaw ka pa. Sigaw! Halleluja!”

Kinse minuto ang lumipas, tapos na sina Green at Grey kay Selena habang si Blue, nanatili pa ring bumabayo. Kahit tapos na ito kanina, muli siyang humiling ng panibagong bakbakan. Kaya ito, pinagpawisan na siya habang naghahabol sa kanyang hininga.

“Bilisan mo, Blue!” si Grey.

“Bilisan mo mukha mo,” sagot nito. Mas binilisan na nito ang pagbayo hanggang sa, “Success,” anito nang nilabasan na ito. Tinanggal na niya ang condom na nasa pagkalalaki niya at itinago iyon sa kanyang bag na nasa tabi lang din niya.

Tumayo na si Blue at agad nagbihis. Nang natapos ito, pinulot niya rin ang damit ni Selena.

“Damit mo.” Pag-abot ni Blue. “Ako na ang maghahatid sa iyo. I'll make sure, you're safe.”

FATED TO F*CK YOU✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon