EPILOGUE 3

9.4K 410 64
                                    

EPILOGUE 3: Red and Blue and Katleya

"Bebe girl," sambit ni Black.

Pinuntahan nito si Grey sa restaurant ng De Elleonor. Nagbabantay na kasi roon ang binata. Halos tatlong buwan na rin silang hiwalay. Kahit anong panunuyo ang gawin ni Black, wala na itong epekto kay Grey. Nasaktan kasi ang binata sa ginawa nitong pagtaboy nang kailangan siya nito.

"Will you stop? Hindi ka na nakakatuwa," inis na sabi ni Grey.

"Sana maintindihan mo ako. Ginawa ko lang iyon kasi..."

"Kasi ikinahiya mo ako," pagputol ni Grey sa sasabihin ni Black. Tiningnan niya ang mga mata ng binata. "Ganoon lang kasimple iyon. Kailangan kita nang gabing iyon, pero tinaboy mo lang ako na parang ligaw na pusa." Nangingilid na ang luha sa mga mata niya. "Sapat na iyong ebidensya para masabing hindi ka maaasahan sa oras na ikaw ay aking kailangan."

"Bebe girl, natatakot kasi ako." Tumulo ang luha ni Black. "Alam mo naman iyon."

"Ako rin naman," may diin na sabi ni Grey. Dinuro niya ang dating kasintahan. "Pero lumaban ako. Ipinaglaban ko ang pagmamahal ko sa iyo, lumayas pa ako, pero ano? Hindi mo lang magawang tulungan ako. Puwede mo naman ako patuluyin doon kahit isang gabi lang. Pero hindi mo ginawa dahil isa kang duwag! Hindi ko naman sinabi na sabihin mo sa magulang mo na tayo, gusto lang kita makasama sa gabing iyon kasi ang lungkot ko. Pero ano ang ginawa mo?" Tinulak niya ito. "Ano ang ginawa mo!"

Habang nag-uusap ang dating magkasintahan, hindi naman sila nakaligtas sa mga mata na nandoon sa loob. Agaw atensyon kasi ang mga ito.

"Sorry," nakayukong sabi ni Black.

"Ano ang magagawa ng sorry mo sa puso kong dinurog mo? Umalis ka na. Hindi na kita kailangan. Sapat na iyong nagtikiman tayo."

Tiningnan ni Black si Grey. "Bebe girl wala namang ganyanan."

"Buo na ang desisyon ko. Hindi ko na hahayaan na muli kang tanggapin sa buhay ko. Ipunin mo 'yang sorry mo sa susunod na taong sasaktan mo."

"Bebe girl, please give me a chance." Humagulgol ito. "Hindi ko kaya na wala ka sa buhay ko."

Tumulo na rin ang luha ni Grey. "Umalis ka na."

Hinawakan ni Grey ang braso ni Black at hinablot niya ito. "Ganito mo akong tinaboy, 'di ba? Umalis ka na!" sigaw niya.

Pagtalikod ni Grey, hinawakan ni Black ang kamay niya at hinablot pabalik sa kanya para yakapin nang sobrang higpit. Humagulgol ito.

"Ano ba, bitawan mo ako!" sigaw ni Grey.

"Kung papalag ka, papalayain na kita," ani Black.

Tinulak ito ni Grey dahilan para matumba ito. "Am I free?"

Tumayo si Black sabay punas ng luha sa mga mata niya. "Yes, you are."

Tumalikod na si Black at humakbang palayo sa lalaking pinalaya na niya. Ang lalaking nagparanas sa kanya na walang kasarian ang pag-ibig. Masakit man para sa kanya na natuldukan ang kakaibang pagmamahalan na meron sila, pero kailangan niyang respetuhin ang desisyon ng taong gusto ng umalis sa buhay niya.

•••

"Congrats, son," pagbati ni Zander. Niyakap niya ang anak niya na ngayon ay nakaupo bilang isang bagong CEO sa kumpanya nila.

"Congrats, apo." Paghalik naman ni Rosa sa pisngi ng pinakamamahal niyang apo. Tiningnan niya ang mga kasamahan sa board. "Thank you."

"Thank you po sa inyo, pangako ko po na gagawin ko ang lahat para sa ating kumpanya. Salamat sa tiwala Dad, La, at sa inyong lahat," masayang batid ni Blue.

FATED TO F*CK YOU✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon