Kabanata 47

11.5K 406 175
                                    

KABANATA 47

Nang mahimasmasan si Katleya sa ginagawa niya, siya na ang bumitaw sa paghahalikan nilang dalawa ni Blue. Hindi siya makapaniwala sa nagawa niya. Napahawak naman siya sa ulo niya dahil walang lalabas na salita sa bibig niya para ipaliwanag ang nangyari.

“Mauna na ako. Pakidala na lang sa loob ang regalo ko,” malamig na sabi ni Blue.

“Pie,” umiiyak na sambit ni Katleya.

“I don’t want to hear your explanation,” sagot ni Blue sabay sara sa likuran ng kanyang sasakyan. Papasok na sana siya sa driver's seat, pero pinigilan siya ni Katleya. Hiniwakan nito ang braso niya kaya hinarap niya ito. “Kat, please. Stop making me fool!”

“I love you, Pie.”

Napangiti si Blue habang hindi mapigalan na umiling. “Well, I don’t love you!”

Pumasok na si Blue sa sasakyan niya at nagpaharurot ng takbo. Hindi niya sukat akalain na niloko lang siya ni Katleya. Mahal pa pala siya nito.

Napatakbo naman sa labas si Amber nang makatanggap ito ng mensahe mula kay Blue.

[Blue: Pumunta ka rito sa labas. Ipasok mo si Katleya riyan sa loob. Sorry again.]

Pagdating ni Amber sa labas, nadatnan niyang nakaupo sa kalsada si Katleya at walang tigil sa pag-iyak. Niyakap niya ito at hinimas ang likod para bigyan ng suporta.

“Ano ba ang nangyari, Ka?” pag-aalala ni Amber.

“Nasabi ko sa kanya na mahal ko pa rin siya,” ani Katleya. Nanginigig ang boses niya. Bumuwag siya sa pagyakap mula sa kaibigan at tiningnan ito sa mga mata. “Bakit hindi niya ako kayang mahalin, Key?”

Napatigil sandali si Amber. “Parehas lang ’yan sa tanong ko. Bakit hindi mo ako kayang mahalin? Kung ano ang sagot mo, iyon din ang sagot ni Blue.” Tumulo ang luha niya habang tinutulungang tumayo si Katleya. “Bakit ba hindi na lang ako, Ka? Nandito lang naman ako, oh. Ako ang laging nasa tabi mo. Ang sakit lang isipin na pinipilit mo ang sarili mo sa isang taong hindi ikaw ang gusto gayong may tao namang naghihintay at umaasang mamahalin mo.”

“Sorry.” Humagulgol si Katleya at niyakap ang kaibigan. “Alam mo naman, Key. Alam mo kung gaano ko ka mahal si Blue.”

“Pero hindi ka niya mahal!” sigaw ni Amber.

“Alam ko. Pero paano?” Hinawakan niya ang dibdib niya. “Hindi siya mawawala rito sa puso ko. Siya pa rin ang tinitibok nito.”

“Palayain mo na ang sarili mo sa sakit. Hindi mo deserve ’yan.”

Hinawakan ni Katleya ang buong mukha ni Amber. “Palayain mo na rin ako riyan sa puso mo. Hindi mo rin deserve na masaktan nang ako ang dahilan.”

“Kakapit ako sa iyo hanggang dulo,” pagmamatigas ni Amber.

“Key. Sorry.”

“Ako ang may gusto nito, Ka. Huwag mo akong kaawaan,” sabi ni Amber. Pinunasan niya ang luha sa mga mata ni Katleya.

“Salamat sa pagmamahal. Pero puwede mo bang samahan ako papunta sa bahay nila Blue? Gusto ko siyang makausap.”

“Gabi na. Bukas na lang, Ka.”

Umiling ang dalaga. “Hindi rin naman ako makakatulog kong alam kong may taong galit sa akin ngayon.”

“Pero paano sila?” sabi ni Amber. Ang tinutukoy niya ay ang mga kaibigan nila sa loob ng mansion.

“Maintindihan nila ako. Please, Key,” pagmamakaawa ni Katleya. Hinawakan pa niya ang balikat ng binata.

Tumango si Amber at niyakap si Katleya. “Okay. Tara na.”

FATED TO F*CK YOU✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora