Kabanata 10

14.1K 536 70
                                    

KABANATA 10

Pagbukas ni Blue ng social media accounts niya, sari-saring komento ang bumungad tungkol sa kanya. Mga screenshots ng s*x scandal nila ni Teressa. Ginawa pa itong memes para sa pansariling kapakanan at iyon ay ang gawing paksa sa katatawanan. Binuksan din ni Blue ang paboritong porn site na madalas niyang tinitingnan para susihin kung nandoon na ito. Napanguso na lang siya nang makita ito sa trending list. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba tungkol sa kanya dahil sanay na siyang mahusgahan. Ang pinag-aalala niya lang, ang kanyang kasintahang si Teressa.

Tinawagan niya na ito dahil hindi siya mapakali, agad naman siyang sinagot nito.

“Babe?” malungkot na sambit ni Blue.

“Sorry babe, if I lost my phone,” si Teressa. Umiiyak ito.

“Wala kang kasalanan, okay? Hindi mo 'yon sinasadya. Pero nag-aalala ako sa iyo. Pupuntahan ko sila Tita bukas. Gusto kong humingi sa kanila ng kapatawaran at magpaliwanag tungkol doon.”

“’Wag na, babe.”

“Bakit?”

“Aalis na kami bukas ng bansa.”

Si Teressa ay may marangyang pamumuhay. Anak ng isang negosyante at may malaki silang shipping lines na pinapalakad sa Cebu. Dahil makapanyarihan ang pamilya ni Teressa at maraming koneksyon sa Pilipinas, nagawan agad nang paraan ang pag-alis nila.

“H-ha? P-pero paano ako? Iiwan mo ba ako? Hihiwalayan mo ba ako?” pag-aalalang tanong ni Blue.

“Oo. Iyon ang mas ikabubuti ng lahat. Desisyon ko rin ito. Hindi ako matapang na kayang harapin ito. Doon sa States, walang makakakilala sa akin. Puwede akong makikipagsapalaran doon.”

“Sige, kung 'yan ang gusto mo. Sorry sa lahat, babe.”

Nangingilid naman ang luha ni Blue nang naalala ang araw na iyon. Kung saan kinunan ang video. Pinilit niya si Teressa na gawin iyon hanggang sa napapayag niya ito.

“Don't take the blame, Blue. May kasalanan din ako rito. At least, napagtanto natin na mali talaga iyong ginawa natin. Ito na ’yong consequences.”

“Kaya nga. Sorry talaga. Alam kong galit sa akin ang magulang mo. Puwede ko ba silang makausap?”

“Mainit pa ang ulo nila, Blue. Pero kapag pakiramdam kong puwede na, ako na lang ang magpapaliwanag sa kanila.”

“Sorry ulit. Teressa. Alam mo, gusto kong malaman mo na napasaya mo ako nang maging tayo. Mamimiss kita. Sana makahanap ka ng magmamahal sa iyo roon. Hindi kagaya ko na ano lang iyong habol sa iyo.”

“Alam ko, sa simula pa lang noong naging tayo. Ako lang ang may pagmamahal sa iyo, pero kahit ganoon, naramdaman ko pa rin na naging totoo ka sa akin. You still treat me so very special. Thank you for that. You're a good person. I will miss you too. Mamimiss ko ang kakulitan mo.”

“Mamimiss mo mukha.”

“Baliw ka talaga, basta tandaan mo. You are loved by many. Isa na ako roon.”

Tuluyan nang tumulo ang luha ni Blue nang marinig ang sinabi ni Teressa. Hindi siya makapaniwala na may babaeng katulad nito. Hindi marunong magtanim ng sama ng loob.

“Salamat. Mag-ingat ka sa States. Ingatan mo ang sarili mo.”

“I will. Thank you. Paalam na, Blue.”

Nang binaba na ni Teressa ang tawag. Hindi na mapigilan ni Blue ang humagulgol. Nakokonsenya siya dahil alam niyang dahil sa video scandal nila kaya napagpasiyahang umalis ng dalaga.

FATED TO F*CK YOU✔जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें