Kabanata 9

14.2K 568 176
                                    

KABANATA 9

Nasa kuwarto si Blue at nagmumukmok sa higaan niya habang nakatago sa kanyang kumot. Sobrang naninibago siya sa nakabibinging katahimikan. Hindi siya sanay sa ganito, pero wala na siyang magagawa dahil ito na ang nakatadhanang mangyari sa kanya. Ang malayo siya sa piling ng pamilya niya.

Bumangon siya sa kanyang higaan at pumunta muna sa balcony ng kuwarto niya. Malaya niyang tinitingnan ang mga nagagandahang ilaw na nagmula sa mga iba't ibang gusali na makikita sa kinatatayuan niya. Nang makakita ito ng pulang ilaw sa parte ng isang gusali, lalo lang siyang nakaramdam ng lungkot. Naalala niya si Red, ito ang kauna-unahang magkalayo sila.

Minuto ang lumipas, bumalik na si Blue sa loob ng kuwarto at tiningnan ang phone niya. Pagkakita niya, marami na pa lang missed calls ang kambal niya.

Tinawagan niya ito. Hindi nagtagal, sinagot siya nito...

“Pula,” si Blue. “Miss mo ako?” pasimpleng tanong niya. Kahit nasa linya ang kapatid niya, wala pa rin siyang sagot na nakuha rito. “Pula. Magsalita ka na.”

“Asul,” mahinang sambit ni Red. Pinigilan niya ang sarili na hindi umiyak. Kahit ang totoo, sobrang nangungulila siya rito.

Nangingilid ang luha ni Blue nang marinig ang boses ng kambal niya. Katulad ni Red, nagpipigil din ito.

“Miss na kita, Pula,” pilit na ngiting sabi ni Blue.

“Umuwi ka na, hindi ako sanay na wala ka rito,” si Red.

“Umuwi mo mukha mo!” singhal ni Blue.

Napangiti si Red, pero hindi niya namalayan na tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata niya nang marinig ang paboritong ginagawa ng kambal niya. Hindi niya maitatanggi na iyong kakulitan ng kambal niya ang namimiss niya.

“Wala na akong kayakap,” anang Red. Kinuha niya ang unan ng kapatid niya na nasa tabi niya at niyakap ito nang mahigpit.

“Unan. Iyong unan ko. Isipin mo lang na ako iyon.”

“Ginagawa ko na. Pero iyong mahigpit na yakap mo ang hinahanap ko,” anito. Mas hinigpitan niya ang yakap sa unan ng kambal niya.

“Lumayas ka na lang din kaya?” suhestiyon ni Blue na nagpaurong sa luha ni Red.

“Baliw. Tsk!” inis nitong sabi.

“Ayaw mo naman pala, e. So 'wag ka ng malungkot diyan.”

“Sige. Asul?”

“Oh?”

“Hindi ka ba sinusungitan ni tita?”

“Ano ba ang aasahan mo sa kambal tuko ni Dad?”

Huminga nang malalim si Red. “Basta.  Huwag kang magpapa-api, ha? Isumbong mo sa akin.”

“Subukan lang nila. Ipo-post ko talaga ang first 30 seconds ng s*x scandal ko sa IG.”

Napatawa si Red sa kakulitan ng kambal niya. Mukhang gumaan na ang pakiramdam nito.

“Baliw ka talaga. Baka kakainin ka na ng buhay ni tita niyan katulad nang nangyari noon.”

“Blue! You are such a disgrace to this family!” panggagaya ni Blue sa sinabi ng Tita Belinda niya noong pinagpiyestahan ang s*x scandal niya sa social media.

Humalakhak si Red na nakahiga sa kama niya. “Ano nga ang sagot mo roon dahilan para mahimatay si tita at isinugod sa hospital?”

“Disgrace mo mukha mo! Send ko pa sa iyo ang part 2.”

Sabay na humalakhak ang dalawa nang maalala ang araw na iyon.

“Maiba ang usapan, kumain ka na ba? Huwag kang magpapagutom, ha?” si Red.

FATED TO F*CK YOU✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon