Kabanata 41

8.9K 411 145
                                    

Kabanata 41

YEAR 2018

Isang linggo na rin ang lumipas nang nangyari ang Thanksgiving Party sa mansion ng Montenegro. Ang gabi ng pasasalamat kung saan ipinagdiriwang ang pagkaligtas nina Blue at Red sa trahedya. Marami ang nangyari ng mga panahong iyon, katulad nang muntikan ng paghihiwalay nina Red at Katleya. Napakasakit para kay Katleya nang malaman ang tungkol sa nangyari sa kasintahan niya at doon sa limang babae. Bumalik kasi ang sakit ng kanyang naramdaman sa sinapit ng dating kasintahan. Ang lalaking una niyang inibig.

Nag-iisang nakaupo si Katleya sa cafeteria dahil nasa counter si Red para bumili ng kakainin nila. Habang tahimik na naghihintay si Katleya, napataas ang kilay niya nang may lalaking papunta sa direksyon niya kung saan siya mismo nakaupo. Ang lalaking kinasusuklaman niya. Ang lalaking unang bumasag sa puso niya. Ang lalaking pinagkatiwalaan niya, pero binigo lang siya.

“Ka,” sambit ng lalaki. Seryoso itong nakatitig kay Katleya pero makikita sa mga mata nito ang lungkot.

“Layuan mo ako,” mahinang sagot ni Katleya. Nanginginig ang mga kamay niya at parang gustong manakit.

“Please, Ka. Hindi mo man lang pinakinggan ang paliwanag ko.”

“Do I need to hear anything from you? Sapat na ang nakita ko. Sapat nang makita kitang hubo’t hubod na may babaeng parang linta na gumiling sa ibabaw mo,” gigil na sabi ni Katleya. Nanlisik ang mga mata niya sa galit.

Hinawakan ng lalaki ang kamay ni Katleya. “Ka, please. Listen to me.”

“Bitawan mo ako!” sigaw ni Katleya nang buong lakas. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili.

Napalingon si Red mula sa counter at agad napatakbo sa kinaroroonan ni Katleya.

“Bro, may problema?” mahinahong tanong ni Red. Nang makita niya ang kamay ng binata na nakahawak sa kamay ni Katleya ay tinanggal niya ito. “Don’t touch my woman.”

“Sorry,” sagot ng lalaki.

Tiningnan ni Red si Katleya. Makikita sa mukha niya ang pag-aalala sa kasintahan. “Kat? Ano bang nangyari?”

“Mauna na ako. Nawalan na ako ng gana,” sagot ni Katleya. Bago ito umalis, inirapan pa niya ang dating kasintahan.

Tinapik ni Red ang binata. “Mauna na ako. Pero wait, ano name mo, bro?”

“Amber Key,” saad ng binata. Nagpakawala ito nang malalim na hininga. “I’m happy na ikaw ang boyfriend niya.”

Napangiti si Red. “Sorry kanina, ha? Nabigla kasi ako. Sige, mauna na ako. Hahabulin ko pa ang prinsesa ko.”

Tumango lang si Amber at umupo na lang. Nalulungkot ito dahil hindi pa rin nawala ang galit ni Katleya sa kanya.

“Kat!” pagtawag ni Red nang makalabas na siya ng cafeteria.

Napahinto si Katleya at lumingon sa kanya. Nakasimangot ang mukha ng kasintahan niya kaya labis ang pagtataka niya.

“Ano ba ang meron?” tanong ni Red nang dumating na siya sa harapan ng kasintahan niya.

“That guy!” inis na sabi Katleya. Tumingala ito sa langit. “Was my stupid ex.”

Nanlaki ang mga mata ni Red. Nagulat siya sa nalaman. Hindi niya alam na may dati pala itong kasintahan. At ang mas ikinagulat niya, nandito lang din pala sa kanilang paaralan nag-aaral.

“E-ex?” hindi makapaniwalang sambit ni Red.

Hinila ni Katleya si Red at umupo sila sa isang bench. Nag-iisip pa si Katleya kung sasabihin ba niya ang nangyari tungkol sa kanilang dalawa ni Amber. Pero napagtanto niya na may karapatan si Red na malaman ang tungkol dito. At isa pa, ayaw niya rin na maglihim pa rito.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now