Kabanata 45

9.7K 403 81
                                    

KABANATA 45

Isang buwan ang lumipas, nanumbalik na ang pagkakaibigan nina Amber at Katleya. Walang halong pagpapanggap dahil totoo na sila sa bawat isa. Maliban sa ginagawa nila ito dahil may gusto silang mangyari. Naki-usap naman si Katleya kay Amber na sasagutin niya na ang binata sa kunwaring panliligaw nito. Ayaw niya nang patagalin pa dahil sobrang miss na niya si Blue at gusto na niya muli itong makasama. Ang totoo kasi, ginawa talaga ni Blue ang gustong mangyari ni Katleya, kapag nagsasalamuha sila, hindi na sila magkakilala kahit sa simpleng pag-ngiti, hindi na nito magawa.

Nag-aaral na si Blue nang mabuti dahil alam niyang pagkatapos ng kolehiyo, may bagong hamon siyang haharapin at iyon ay ang pagpapatakbo ng kanilang kumpanya. Malaki ang tiwala ng kanyang ina at ama sa kanya, lalo na si Rosa na ibinigay pa talaga ang animnapung porsiyento ng mana sa kanya. Kahit ginawa ni Blue ang lahat ng ipinangako niya kay Katleya, hindi pa rin niya maitago sa kanyang sarili na sobrang miss na niya ito. Gabi-gabi siyang tumatambay sa labas ng bahay ng dalaga dahil tinitingnan niya ito sa balcony habang seryosong nag-aaral. Aalis lang siya kapag natapos na ang dalaga sa ginagawa nito. Masaya rin siyang malaman na nililigawan na ni Amber ang kanyang mahal na kaibigan. Kampante siya rito dahil alam niyang mabait itong tao. Nagtanong-tanong pa siya sa mga kakilala ng binata. Kahit ang pamumuhay nito kung saan pamilya galing ito, ipina-imbistagahan niya sa tulong ng kanyang ama. Gabi-gabi rin niyang kinukumusta si Katleya rito. Ang totoo nga, naging magkaibigan na rin silang dalawa. Palagi pa niyang pinapaalahanan ito sa mga bagay na gusto at ayaw nito.

Minsan, natatawa na lang si Amber sa inaasal ni Blue. Para kasi itong kasintahan kung umasta. Nakikita niya rin ang labis na pagmamahal nito bilang isang kaibigan sa babaeng gusto niya. Ipinangako rin ni Blue sa kanya na kung sasagutin siya ni Katleya, siya ang unang tatakbo para babatiin silang dalawa.

Papunta si Blue sa puntod nina Red at Pinkerlia para bisitahin ito. Pagdating niya sa sementeryo, nandoon ang babaeng matagal na niyang na miss kahit araw-araw niyang nakikita. Patuloy lang siyang naglalakad papunta roon kahit alam niyang nandoon ito. Pagdating niya, inilagay niya ang bulaklak na dala sa ibabaw ng lapida. Nabigla si Katleya nang makita ang binata kaya agad itong tumayo. Itinanggal niya ang damong dumikit sa saya habang nakayuko.

“Mauna na ako, Red,” pagpapaalam ni Katleya.

Nang dumaan si Katleya sa gilid ni Blue, biglang hinawakan ng binata ang kamay nito. Nanigas si Katleya at hindi makagalaw. Hindi rin ito makapagsalita at hinintay na maunang kumibo ang binata. Nanlaki ang mga mata ni Katleya nang maramdaman na nasa likod na niya si Blue. At lalo nang dumapu ang mga kamay nito sa tiyan niya para yakapin. Ipinatong ni Blue ang baba niya sa balikat ni Katleya at niyakap nang sobrang higpit. Tumulo ang luha ni Katleya dahil itong ginagawa ni Blue ang pinakanamiss niya sa lahat.

“Uuwi na ako,” bungad ni Katleya sa katahimikan.

“Suko na ako. Hindi ko na kaya. Miss na kita, sobra,” marahang sabi ni Blue.

Kinagat ni Katleya ang ibabang parte ng labi niya para pigilan ang luha na tumulo sa mga mata niya. Ayaw na niyang makita pa siya ni Blue na umiiyak. At isa pa, pananagutan niya ang pagkukunwari na nililigawan siya ni Amber para hindi ito magtataka. Alam niya ang ibig sabihin ng sinabi ni Blue. Ang gusto nito, manumbalik ang kanilang pagkakaibigan. Nandoon pa rin iyong katotohanan na wala itong gusto sa kanya.

“Ano’ng ibig mong sabihin?” mahinang tanong ni Katleya kahit alam naman niya na ang sagot.

“You will be happy soon in Amber's company. Alam kong napalitan niya na ako riyan sa puso mo kaya wala ng silbi kung lalayo pa rin ako sa iyo. Mukhang ito na iyong pagkakataon na manunumbalik ang pagkakaibigan natin. Miss na kita, Katleya. I love you.”

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now