Kabanata 15

12.4K 488 45
                                    

KABANATA 15

“Narinig ko po ang lahat,” malungkot na sabi ni Red.

Nagpupunas ng luha si Red dahil hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Sobrang nasaktan siya nang malaman ang lihim na matagal ng itinago ng pamilya nila sa kanila.

Nilapitan ito ni Crezelda at niyakap. Masakit para sa kanya na makitang umiiyak ang anak niya.

“Kaya ba ganoon ang trato niyo kay Asul?” matapang na tanong ni Red.

Humiwalay sa pagyakap si Crezelda. “Sorry. Iyon ang pinakamalaking pagkakamali ko sa tanang buhay ko. Iyong sinisisi ko ang inosente mong kapatid.”

“Bakit siya, mom? Bakit siya po ang sinisisi niyo? Biktima rin po siya rito. Muntikan din siyang mamatay gaya nang sinabi mo.” Umiiyak lang si Crezelda habang nakikinig sa anak niya. “Ginawa niyo pong bangungot ang buhay ng kambal ko sa isang insidenteng hindi niya sinadya. Nalunod din siya, mom! Nag-agaw buhay rin! 'Tapos ganoon? Araw-araw niyong pinapatay ang kambal ko? Grabe naman po kayo.”

Nagngingilid ang luha ni Crezelda habang nagsasalita ang kanyang anak. Hinawakan niya ang pisngi nito. “Alam ko, nak. Kaya patawarin niyo kami.”

“You don't need to say sorry to me, mom. Wala kang kasalanan sa akin. Si Asul ang dapat makarinig ng salitang iyan mula sa iyo. He suffered a lot. He cried a lot. He felt unloved.”

“Alam ko, alam ko. Red, hindi ito puwedeng malaman ni Blue. Natatakot ako, kung ano ang mangyari sa kanya sa oras na malaman niya ito. Itago mo sa kanya ito. Kung mahal mo ang kapatid mo, ilibing mo ang nalaman mo.”

“Kaya po ba ganoon din sila Tita sa kambal ko?” Napahagulgol si Red nang maalala kung paano tratuhin ng mga kamag-anak niya ang kanyang kapatid. “Alam niyo, mom? Sobrang unfair niyo kay Asul. Ang unfair, unfair niyo.”

Tuluyan ng tumulo ang luha ni Crezelda. “Alam ko, nak. Nagsisisi naman ako, kami ng Daddy mo. Kaya noong nalaman kong nasa hospital siya, sobrang kinakabahan kami ng daddy mo. Ang daming what ifs sa utak namin. Paano kung may mangyari sa kanyang masama? Hindi namin kaya, nak. Hindi na namin kayang mawalan pa ng isang anak. Kayo ang buhay namin ng daddy niyo. Red? Alam kong mas naging magulang ka pa sa amin ng daddy mo kay Blue kaya ang tanging hiling ko, 'wag na 'wag mong hayaang malaman niya ito.”

“I will. Dahil ayaw ko nang muli makita ang kapatid ko na nasasaktan.”

“Salamat.”

“May hihilingin lang ako, mom.” Tinitigan nang sobrang seryoso ni Red ang ina niya. “Please, magpaka-ina na po kayo sa kambal ko. He loves you. He wants to be your son. And what makes me hurt? He's hunger of parent's love.”

Walang pigil sa pag-iyak si Crezelda. Sa sinabi ni Red, parang isinampal sa kanya ang katotohanan na ang laki ng pagkukulang niya bilang isang magulang.

“Sorry kung naging masama akong ina sa kapatid mo. Pangako ko, babawi ako.”

“Masaya po ako kung mangyari iyon, Mom.”

“Salamat Red, dahil hindi mo pinabayaan ang kapatid mo.”

“That's my role as a brother to him. Blue is my life.”

“Thank you, nak.”

Napangiti si Red habang walang tigil sa pagpatak ang kanyang luha. “I am sure you will be the happiest mother in the world when you see how great he is as a person. Blue is the best, Mom.”

“Hindi na ako makapaghintay na masaksihan iyon.”

“Thank you. Pero, Mom? Saan po inilibing si Pinkerlia? Nang mabisita ko naman ang puntod niya. Malaki rin kasi ang kasalanan ko sa kanya. Baka nagtatampo na iyon sa akin dahil ni minsan hindi ko siya dinalaw. Hindi ko siya matatandaan.”

FATED TO F*CK YOU✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon