Prologue

38.5K 1.1K 456
                                    

WARNING: Naka-baby bra ka pa? Oo, 'di ba? Alis!

PROLOGO

TUMAKBO SI KATLEYA papunta sa kuwarto ni Blue. Ilang beses na siyang nakapasok doon kaya alam niya kung saan ito nakadestino. Nang makarating siya sa tapat ng pintuan ng binata, agad siyang pumasok nang hindi man lang nagawang kumatok. Pagpasok niya sa loob, hindi niya nakita ang taong sinadya niya. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa at inilibot ang tingin sa paligid. Napag-alaman naman niyang nandoon ito sa balcony. Nakatalikod lang ang binata at nakatingala sa kalangitan. Suot pa rin nito ang damit na sinuot niya nang manggaling siya sa bahay nila Katleya.

Pinuntahan ito ni Katleya sa balcony. Nang nasa likod na siya ng binata, hindi siya nagdalawang-isip na yakapin ito nang mahigpit mula sa likod.

“Sorry,” si Katleya. Maririnig sa boses nito ang lungkot.

“Bakit ka nandito?” malamig pa sa hangin na tanong ni Blue. Hindi man lang nito nagawang tingnan ang kaibigan.

“Nandito ako dahil mahal kita...”

Nangingilid na ang luha sa mga mata ni Katleya. Nagpipigil lang siyang umiyak dahil alam niyang siya rin ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang kaibigan.

“I love you, Pie,” mahinang sabi pa nito.

Humarap na si Blue rito...

“Bakit ka ba nagkakaganyan?” Gusto mang pigilan ni Blue ang luha nito, pero bigo siya dahil kusa itong bumuhos. Nasasaktan din siya para sa kaibigan niya. Hindi niya gusto ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Pinunasan nito ang luhang nagsipatakan sa mga mata niya. “Kapatid nga lang ang turing ko sa iyo, Kat. Hindi kita mahal.”

Biglang idinampi ni Katleya ang kanyang labi sa labi ng binata subalit itinulak lang siya nito. Natumba naman ang dalaga dahil doon.

“Ano ba!” sigaw ni Blue.

Tumayo si Katleya at muling hinalikan sa labi ang mahal na binata. Itinulak muli ito ni Blue at pagkatapos, pumasok na sa loob ng kanyang kuwarto.

Parang aso naman si Katleya na sinundan ito. Nang makita niyang papapunta si Blue sa may pinto palabas ng kuwarto, tumakbo siya para harangan ito. Isinara pa niya ang pinto para masiguradong hindi makalabas ang mahal na binata.

Napakamot na si Blue sa kanyang ulo dahil sa inis...

“Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, Kat?” tanong ng binata. May pagmamakaawa na sa boses nito.

“Sabihin mong mahal mo rin ako. Mahalin mo ako!” Lumuhod si Katleya. “Please, Pie. Tell me that you love me. Please. Please. Please.”

“Kat, ano ba! Tumayo ka na riyan. Huwag ka namang ganito, oh?”

Tumayo si Katleya sabay hawak sa mukha ni Blue.

“Ano bang wala sa akin, Pie? Complete ingredients naman ako, ha? Ready to cook? But why?” Humagulgol na si Katleya.

Hinawakan ni Blue ang mga kamay ni Katleya na nasa kanyang mukha at tinanggal ito nang marahan.

“You graduated with latin honors, pero bakit ang bobo mo pagdating sa akin? Hindi nga kita mahal, Kat! Parang kapatid lang ang turing ko sa iyo. Kaibigan ka lang sa mga mata ko!” sigaw ni Blue.

Tinitigan ni Katleya si Blue habang ang luha sa mga mata niya ay walang humpay sa pagbuhos. Pero hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa. Gusto niyang marinig dito na mahal siya nito.

“Undress me, if you don't really love me.” Walang pagdadalawang-isip na lumapit si Blue kay Katleya at hinubaran ito. Kinagat ni Katleya ang ibabang parte ng labi niya para pigilan ang paghikbi. “Touch me, if you don't care about me anymore.” Nagdasal si Katleya na sana hindi magawang hawakan ni Blue ang ano mang parte ng katawan niya, pero bigo ito. Dahil agad hinawakan ni Blue ang kanyang dibdib at hinimas ang mga ito. Tinitigan niya ang mukha ng kanyang pinakamamahal kasabay ng pagbuhos ng masaganang luha sa kanyang mga mata. “F*ck me, if you want to get me out of your life.”

~~~

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now