Chapter 65 ♬ The Encounter

37.5K 652 45
                                    

Chapter 65

(Not super Revised & Edited. Dispensa mi amigos. LOL.)

 

Serene’s POV

“Have you heard anything from them yet?” tumingin ako kay Julian. Nasa meeting room kami sa isang private room sa loob lang din ng bahay. Lahat ng gangmates ko nandito sa loob kasama na rin sila Niel at Nathan.

“Not yet which is weird, very unlike them.” napakunot sya ng noo at napasandal ang ulo sa isang kamay na nakapatong sa mesa, halatang malalim ang iniisip nya.

Apat na araw na ang nakalipas pero ni isa sa mga pinadala ni Julian sa misyon wala pa rin balita na hinahatid sa amin. Nagsisimula na akong mag-alala. Kapag mga ganung misyon kasi isa o dalawang araw lang may maririnig na kaming tawag at balita mula sa kanila.

“Bigyan lang siguro natin sila ng konti pang oras.” suhestyon ni Nyree

“Maybe they are already on there way back here? Tiwala lang.” ngiti naman ni Kelly para pagaanin ang sitwasyon

Huminga ako ng malalim at bahagyang napatango. Sana nga ayos lang sila.

***

Bago ako lumabas ng bahay isinukbit ko na sa balikat ko ang casing ng violin. Ilang linggo ko na rin itong prinapractice at sa awa ng Diyos medjo nagiging komportable na ako ulit dito.

Naglakad ako papunta sa park na malapit lang din sa bahay. Pero habang naglalakad nanjan na naman yung pakiramdam na parang may nakasunod sa akin, na parang may nagmamatyag sa tabi tabi. Ganito din yung feeling nung mga panahon na may bigla na lang nagbato sa akin ng shuriken noon galing sa puno. Mahiwaga pa rin sa akin kung sino nga ba ito pero nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Wala sila Julian at iba ko pang gangmates dahil may importante silang dapat asikasuhin. Kasama dapat talaga ako kaya lang sabi nila maiwan na ako. Hindi naman siguro masamang lumabas di ba? Lalo na sa sitwasyon ko ngayon kailangan ko ng sariwang hangin.

Sa may gilid ng mga puno kung saan malimit lang daanan ng mga tao ang napili kong lugar para tumambay. Nakaupo lang ako doon habang nakapikit dinarama ang sariwang hangin sa balat ko. Binuksan ko ang casing ng violin at tinitigan pa ng sandali ang laman nito bago kinuha at ipinatong sa aking hita.

 

Kuya... konti na lang at mao-overcome ko din ito...

 

(i-play nyo yung music para ma-feel nyo yung plinaplay ni Serene ----> :))))

 

Ilan pang sandali ipinikit ko ang aking mga mata at sinimulang tumugtog. Dahan dahan, habang nakaupos sa may damuhan, inumpisahan kong tumugtog. Noong una takot ang una kong naramdaman dahil sa bangungot ng nakaraan. Pero habang tumatagal dahan dahan itong napalitan... sa pagpikit ko ng mga mata ko may nakikita akong ngiti, saya-- na matagal kong hindi naramdaman sa haba ng panahon. Ngiti nya ang nakikita ko at hindi ang paulit-ulit na pagbagsak ng kuya ko sa harapan ko. Ang ngiting yun ang nagpapalakas sa akin pati na rin ang mga salitang paulit-ulit nyang ibinubulong sa tuwing gusto ko ng sumuko at kalimutan na lamang ang pagtugtog ng violin...

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon