Chapter 24 ♬ His Secret

62.5K 1K 37
                                    

CHAPTER 24 - HIS SECRET

JACE


Nakauwi kami ng maayos matapos ang araw na 'yon. Her being on my side safe and sound, made me so happy. Sa tuwing kasama ko siya palaging masaya. I can't keep my eyes off her. I just want to be with her always. Pagkatapos ng mga nangyari party ay hindi na namin iyon pinag-usapan at masaya naman ako na hindi na niya iyon inilabas pa. Ayoko na rin kasing pag-usapan. Hindi ko rin alam ang sasabihin sa kanya. Ayokong iyon pa ang dahilan ng paglayo niya sa akin. Ngayon pa na nahanap ko na ang saya na matagal ko nang hinahanap?

Pagdating sa bahay naabutan ko si dad sa may veranda. May kausap siyang mga lalaki na nakasuot ng pang pormal. Panaka-naka silang umiinom ng wine na may kasamang tawanan na talaga namang dinig na dinig hanggang labas.

"Of course Mr. Hatcher a deal is a deal." Noong makapasok ako, nakita kong nakikipagkamay si dad sa kausap niya. "We'll be waiting for you in our next meeting abroad."

Ngumiti siya sa mga ito. "Expect me to be there with the rest of my gang."

Ilan pang sandali ay tuluyan na ngang nagpaalam sa kanya ang mga bisita. Umiinom pa rin siya noong magpasya akong lumapit at magpakita sa kanya.

"Gangster huh?" Hindi ko itinago ang pait at pagkadisgusto sa tinig ko. Kung gaano ako kasaya sa school, ganu'n naman ang init ng ulo ko rito sa bahay. Kung pwede lang hindi umuwi... Sumandal ako sa pader habang nakasukbit pa rin sa balikat ko ang bag na dala. Itinupi ko ang mga braso sa dibidb. "Akala ko ba matagal na kayong tapos sa mga ganyang bagay?"

Patuloy pa rin siya sa pag-inom na akala mo wala ako roon. Malayo ang tingin sa mga mata niya.

"It's been part of our family for generation. It's my life now." pagkasabi nito ay ang paglagok niya ng huling bote ng wine na hawak.

Ikinuyom ko ang mga kamay at ng tuluyan na ngang hindi napigilan ang sarili, sinuntok ko siya sa mukha.

"That's bullshit!" Galit na galit kong sigaw sa harap nya. "Baka nakakalimutan n'yo na because of that stupid single word nasira ang pamilya natin! And your life?" singhal ko pang dagdag. "Dad? Paano naman ako? Paano na ang mga taong nagmamahal at umaaa sa'yo? Kinalimutan mo na." Sa sobrang galit na nararamdaman ay hindi ko mapigilan ang matawa. Isang tawa na puno ng pait. Isang tawa na puno ng pasakit. Hindi ko akalaing lalabas na lang ng ganito ang galit na matagal kong itinago. Galit na kinimkim ko sa dibdib ng ilang taon.

"Ang kompanyang ito ang tanging maibibigay ko at ng mama mo sa'yo." Tumayo siya sabay punas ng dumudugong bibig. Hanggang ngayon ay walang emosyon ang mukha niya. Para siyang robot. Parang hindi siya ang dad ko na nakasama ko magmula noong bata pa ako. Oo okay naman siya minsan. Pero ito ang mga oras na ayaw ko sa kanya, 'yung parang bato sa mga bagay na dapat nilalayuan niya. Alam na nga niyang nahihirapan siya sa business na ito ipinagpipilitan pa rin niya.

"Pero wala akong pakialam sa kumpanyang 'yan kung kayo naman na pamilya ko ang kapalit." Aanhin ko naman kaya ang letseng kumpanyang 'yan? Kung mawawala ang mga importanteng tao sa buhay ko?

"Mas lalo namang hindi ko hahayaan na mapunta lang sa anak ng kasosyo ko ang lahat ng pinaghirapan ko. Kahit anong tanggi ang gawin mo, it's in our blood. Hinding hindi mo na matatakasan pa."

"Dad, makinig kayo sa akin. Umalis na kayo riyan. Bumukod na kayo habang maaga pa."

Inilayo niya ang tingin sa akin. "Malabo nang mangyari iyon Jace. Malabo na." Bahagya pa niyang hinawakan ang panga halatang ramdam ang sakit na idinulot ko sa kanya. Nakita ko ang marahan niyang pagngisi. "Malakas ka na nga talaga Jace. Napapabagsak mo na agad ang dad mo. Parang dati lang na tinuturuan pa kita kung paano sumuntok. Maliit ka pa no'n. Ngayon, talaga ngang hindi ka na bata."

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon