Chapter 18 ♬ The Voice

66.9K 1.1K 50
                                    

CHAPTER 18 - THE VOICE 

SERENE


Tulad ng dati late pa rin akong nakapasok sa room namin. Kung makapaglakad kasi ako sa hallway akala mo naglalakad sa buwan. Umupo ako sa dati kong pwesto sa likod habang hinihintay na dumating ang mga Section A. Mamaya alam kong darating na rin sila.

"Nandyan na sila! Oh my gooosh! Upo na dali!"

Nakita ko ang pagkaalarma at pagkasabik sa mukha ng mga kaklase ko noong makita na papalapit na ang mga hinihintay namin sa pintuan. Hindi ko tuloy mapigilang matawa sa tuwing pinagmamasdan ko sila. Kapag adviser namin ang nagpapaupo at nagpapatahimik sa kanila ay aabutin pa si Ms. Christina ng siyam-siyam para lang mapatahimik sila. Tapos ngayon, nakita lang ang mga crush nila wala pang ilang segundo tahimik agad at nakapwesto na silang lahat?

Wow. Hashtag, medyo maharot.

Dumating ang mga Section A at isa-isang nagsipasukan sa kwarto namin. Syempre huli na naman ang mga Fpwet – este ka-bandmates ko pala – sa grand entrance na ito. Sa pagpasok nila, nakita ko na nagtutulakan at nagtatawanan sila habang naglalakad papalapit sa aking direksyon. Ginugulo-gulo pa nga ni Jace ang buhok ni Rico na siyang ikinagulat ko. Tapos si Rico naman ay naroon lang at nakasimangot na nagrereklamo. Sa totoo lang natutuwa akong makita silang ganyan. Ang saya lang na makita silang masaya.

"Sigurado ba talagang dito kayo?" nag-aalangan kong tanong sa kanila kahit kahapon pa. Naririndi na nga yata sila sa akin.

Humaba ang nguso ni Rico sa harap ko. "Ang kulit naman ni babes. Ayaw mo ba kami rito?"

"Hindi naman kaso..." napakamot na lang ako sa ulo. Para kasing ang unfair na sa akin silang lahat nakadestino. Isa lang naman ang kailangan ko kung tutuusin.

"Hindi ko talaga akalain na pare-parehas kami ng sinulat na pangalan." sabat ni Nathan na may ngisi sa kanyang mga labi.

Tumawa si Rico at naki-high five pa sa kaibigan "Akalain n'yo nagkasundo rin tayo sa isang bagay?"

Napakunot-noo ako.

"Anong pare-parehas ng sinulat na pangalan?"

Si Niel ang unang nagpaliwanag sa akin. "Noong isang araw kasi tinanong kami ng adviser namin kung sino ang gusto naming turuan sa lower section tapos pinagpasa kami ng pangalan for evaluation. And then as you can see, we are all here."

Nagpasa sila ng pangalan? Kung gano'n halos lahat sila ay iisa lang ang isinulat. Kung gano'n kahit ba si Jace?

Inilipat ko ang tingin kay Jace na nahuli kong nakatingin sa akin. Gayunman, agad niyang inilayo ang tingin habang nakahalukipkip noong makita akong gumalaw.

"Ah oo nga pala Jace, 'yung piece na itutugtog natin..." narinig kong sabi ni Niel kay Jace. Nagsimula na silang mag-usap ngunit ang mga tingin ko ay nakatuon lamang kay Jace.

Pinili nga rin ba niya talaga ako?

Narinig namin ang malakas na pagpalakpak ni Ms. Christina, pilit na kinukuha ang atensyon naming lahat sa klase na habang tumatagal ay paingay na ng paingay.

"Ok class! Let's start our tutorial session now, please do your work!" malakas pa niyang bulyaw na talaga namang ikinagulat naming lahat. Sa mukha ni Ms. Christina ay mukha na naman siyang high-blood. Naku naman.

Lumapit sa akin si Nathan at pasimpleng bumulong. "Nakakatakot pala ang class adviser n'yo babes."

"Sinabi mo pa. Masanay ka na dahil dito kayo magi-stay sa mga susunod pang mga araw." May nakakalokong ngiti sa mga labi ko. Si Ms. Christina? Naku! Makikita nila ang kamandag niya kapag nagalit. Pabiro kong tinapik ang balikat niya.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon