Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (First Part)

38.3K 730 26
                                    

Dedicated sa kanya

Ito na!!!

Ready na ba kayo?? ^_____^

Heres the last remaining chapters of LTMS.

Enjoy!!! 

 

P.S. Read the Author Note in the end. There's a surprise waiting for you ^____^ 

P.P.S. I lied when I told you that I separate chapter 70 into two chapters. 'Coz honestly now it's three!! haha! Oh well pagbigyan na XD (last hour change of mind. LOL!)

Thank you! 

Don't forget :) VOTE>COMMENT>VOTE>COMMENT

***

Chapter 70

(Okay.)

Everyone believes that I'm dead.

Magmula sa school hanggang sa gangster world na pilit na gumugulo sa buhay ko. Alam ng gangmates ko ang totoo pati na rin si Rico pero hindi sila nagsasalita at hinayaan ang mga taong maniwala sa mga bagay bagay na pilit nilang inilalagay sa utak nila. Sabi nila Nathan hindi na rin daw pumasok si Clarisse magmula ng mangyari ang aksidente at magmula nun wala na silang narinig sa kanya. Kung alam man nya ang totoo yun ang di namin alam. 

Now everyone thinks I'm completely gone, lahat ng kaaway naming gang ay nagsasaya. Ilang araw na lang at mangyayari na ang pinakakahihintay namin. Ang Battle of the Gang. Sobrang saya nila na wala na ako, sa pag-aakalang wala na si G-Clef na kinatatakutan ng lahat. Malas lang nila. 

Idinaraos ang 'Battle of the Gang' o 'Gangster King/Queen Fight' isang beses sa tatlong dekada. Ang mananalo sa paligsahang ito ay tatanghaling may pinakamataas na posisyon at titingalain ng lahat ng nasa gangster world. Isa lang kasi ang ibig sabihin ng pagkapanalo ng isang challenger sa labanang ito. Yun ay dahil ikaw ang pinakamabilis, pinakamalakas, at pinakamaparaan sa lahat ng mga gangster which is later on called Gangster Queen sa babae at King naman sa lalaki. Isa lang ang pwedeng manalo at walang ng iba.

"Master." binuksan ang sinasakyan kong kotse at tumambad sa akin ang nagkukumpulang tao na nakasuot ng itim.

(Yung Picture ng suot ni Serene kung gusto nyong makita :) ---->)

Ito kasi ang nakadestinong isusuot ng bawat manlalaro kasama ang kanya kanya nilang maskara sa mukha. Ang mga babae ay nakasuot ng ala-ninja mask na natatakpan lamang mula sa ilong hanggang leeg. Tanging mga nangungusap nilang mga mata ang mapapansin mo at wala ng iba dahil pati ang mga suot nilang damit ay may kanya kanyang disenyo na hapit sa balingkinitan nilang katawan. Samantalang ang mga lalaki ay may iba't-ibang hugis din ng maskara sa mukha. Nakasuot din sila ng damit na hapit sa kanilang mga katawan at mahahalata mo rito ang naggagandahan nilang mga abs. Halos lahat ng makita ko sa paligid ay mukhang hapit na hapit. Pinaghandaan talaga nila ang araw na ito.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon