Chapter 58 ♬ Where She Rules

43.8K 862 70
                                    

Chapter 58 – where she rules

*Edited and reposted 10/25/15


---


Serene's POV

Naglalakad lang ako sa hallway hanggang sa may naramdaman akong humigit ng bewang ko.

"Wala ka sa rooftop kanina ah, busy?"

"May inasikaso lang ako." Sabi nya habang hinahawi ang daan para sa akin.

"Inaasikasong alin?" Napansin ko kasi nitong nakaraang araw lagi na lang busy si Jace. Minsan nga madalang ko na syang makita. Kung hindi pa sya tumatawag o nagtetext sa akin iisipin ko na kinalimutan na nya ako.

"Mga bagay-bagay." Ang maikli nyang sagot.

"Mga bagay-bagay na ano?" Tumingin sya sa akin at saka ako kinurot sa pisngi.

"Feeling ko may kailangan akong gawin para lumiit yang mahaba mong nguso. Ano sa tingin mo?" sabi pa nya habang nakapatong ang isang kamay sa ilalim ng baba na para bang may iniisip.

Ginaya ko rin ang postura nya at tumingin sa taas kunwari malalim din ang iniisip. "Hmm... sa tingin ko naman eh kung ano nga ba yang 'bagay-bagay' na inaasikaso mo kailangan mo munang magpahinga roon. Ano sa tingin mo?"

Tinaasan nya ako ng kilay. Tinaasan ko rin sya ng akin.

Kunot-noo nya akong tiningnan. Kunot-noo ko ring ibinalik ang tingin ko.

Pinaningkitan nya ako ng mga mata. Pinaningkitan ko rin sya.

Pagkatapos no'n ay sabay kaming nagsitwanan—err...ako lang pala.

"Ikaw talaga ang K.J. mo." Pabiro kung tulak sa kanya. "ang ganda ng umaga busangot agad ang mukha mo."

"Ayan ang tinatawag na natural." Tingin ko nga. Since birth na nga yata ang masungit nyang ugali. Sa totoo lang gusto kong tumawa sa reaksyon ng mukha nya pero baka ma-offend pa sya.

Joke ba yung sinabi nya?

Kaya ang ginawa ko pinisil ko na lang yung ilong nya katulad ng lagi kong ginagawa.

"Ow!" hawak nya sa kawawang ilong.

Ngamatis ang ilong nya sa sobrang pula. Grabe ang tawa ko. Humahagalpak.

"Jace'y the red nose reindeer!" asar ko sa kanya sabay belat. Pasayaw-sayaw pa ako habang ginagawa 'yon at pagkatapos, sabay takbo ng napakabilis! Sinimulan na nya kasi akong habulin.

Nakaabot kami roon sa may school garden... nagtatakbuhan, nagtatawanan. Yep. Sabi ko sa inyo eh. Hindi rin sya makakatiis. It was so good to heard him laugh again.

No'ng nakaabot sya sa akin ay binuhat nya ako agad at saka inikot-ikot na akala mo kami lang ang tao roon. Nagsisitinginan tuloy ang mga tao sa amin.

Sa di kalayuan ay nakita ko sina Niel na papalapit sa direksyon namin. Kabababa lang ni Jace sa akin mula sa pagkakabuhat kaya nagulat ako ng may biglang humila sa akin mula sa likod at saka ako niyakap.

"There you are. We've been looking for you." Ramdam ko ang init ng hininga nya sa leeg ko at hindi ko mapigilang mamula.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Jace, sumunod ang biglang masamang titig nito sa amin. Sino ba ang matutuwa na makita na ang girlfriend nya ay niyayakap ng iba sa ganitong ka-intimate na posisyon?

Gusto kong sigawan ang lalaking nasa likod ko. Ano ba sa tingin nya ang ginagawa nya? Ang hirap kong pinangiti ang lalaking ito sa harap ko ngayong araw na ito tapos sa isang iglap mawawala na lang bigla?

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon