Chapter 57 ♬ Exchange Students

43K 778 67
                                    

A/N: Howdy guys!!! gusto ko palang magTHANK YOU! sa lahat ng walang sawang nagbabasa nitong story ko <3


***

Serene's POV

Gusto ko nang kalimutan ang nangyari kahapon at kung maari gusto ko nang kalimutan ang lahat sa nakaraan. Ngayon ipasasantabi ko na lamang lahat ng masasakit na nangyari sa akin at lalabas ng may mga ngiti sa mga labi. Ano pa bang dapat gawin? hanggat maaari ayoko ng umiyak. Grabe ngayon ko lang napagtanto, nakakabawas pala ng beauty yun. 

"Hep! hep! hep!"

"Saan ka pupunta?"

Hinila ni Nyree yung damit ko pabalik samantalang si Kelly naman ay hinarang ang pinto. 

"Papasok na ng school?" mala-late na naman kami kapag hindi kami nagmadali tapos hindi pa sila nakapalit! wuut?!  

"Nope. Hindi ka muna papasok master" --Kelly

"Magshoshopping tayo!!" --Nyree

Master. Ulit. *sigh*

Since 'Gang Leader' na naman ang peg ng buhay ko yun daw ulit ang itatawag nila sa akin kapag kami kami lang at nandito lang sa bahay. Hay napakatagal na issue na yan sa amin grabe lang -.-

"Shopping? eh??" binigyan ko sila ng weird look. Haler! may pasok po kaya kami noh!

"Basta! sumama ka na lang!" at pagkatapos nun excited nila akong hinigit palabas ng pinto.

Rico's POV


Naglalakad kami sa hallway ngayon, ako, si Jace, Niel, Shane at Nathan. Lahat ng estudyanteng mapapatingin sa amin kundi umiiwas ng tingin, yumuyuko. Para ngang takot na takot silang ibuka ang mga bibig nila o kahit na gumalaw man lang. Takot sila sa amin-- ay mali, takot sila kay Jace na kanina pa bad mood.

Haha sa mukha ko ba naman 'to? matatakot sila? wahahaha ako kaya ang pinakacute na nilalang dito sa mundo! ^O^)/ (asa)

Gusto nyo bang malaman kung bakit mukhang takot na takot sila kay Jace? ganito kasi yun... Pagkaalis lang din nila Serene kahapon...

Flashback

"I can't believe it! yung loser na yun? sila na ni papa Jace natin?!"

"Sabi na nga ba social climber at gold digger ang isang yun"

"Pwedeng pakiulit?" isang makamandag na boses ang nakapagpahinto sa ingay at tawanan sa loob ng  music room na iniwan namin. Sa sobrang tahimik maririnig mo pa ang pagyapak ng mga paa sa sahig

"Who is responsible for this mess?"

Walang sumagot. Tumingin ako sa paligid at nakita na wala na rin si Clarisse sa loob. Dala na rin siguro ng galit eh naghanap sya ng ibang mapagbubuntunan. Malas nga lang nun, kung sino man yun.

Lumapit si Jace sa isang babae na may hawak ng isang mansanas at saka ito kinuha sa kamay nito. 

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon