Chapter 31 ♬ Unexpected Visitor

59K 1K 90
                                    

CHAPTER 31 - UNEXPECTED VISITOR 

SERENE


Ilang araw na rin ang nakalipas matapos mangyari ang palitan namin ng salita ni Jace sa rooftop. Nasaktan talaga ako pero ano naman ang gagawin ko? Magmukmok? Buti na lang at Sabado ngayon at walang pasok. Madalas kasi napapansin ko na gusto akong makausap ni Jace nitong mga huling araw. Siguro para humingi ng dispensya dahil mga nasabi niya sa akin? Naiintindihan ko naman siya. Tulad ko, malungkot lang din siya ng mga araw na 'yun dahil sa pagkamatay ng mama niya. Gayunpaman, kahit ano man ang dahilan, hanggat maaari ay iniiwasan ko muna siya ngayon. Wala kasi akong mukhang maiharap sa kanya dahil rin sa mga sinabi ko. Dapat pala nakinig na lang talaga ako kay Nathan na huwag muna siyang pansinin. Kung bakit ba kasi hindi napigilan ang sarili noong araw na 'yun eh 'di sana hindi mangyayari ito.

Naramdaman ko ang pagvi-vibrate ng cellphone sa aking bulsa. Kasalukuyan akong nakaupo sa may sofa sa sala habang nanoond ng TV kasama si ate Desi.

"Hello po attorney, napatawag kayo?" pagbati ko sa kabilang linya matapos makita sa screen ng cellphone kung kanino ito nanggagaling.

"Hija kumusta na? May sasabihin lang sana ako kaya napatawag ako ngayon," sambit nito gamit ang masayang tinig na madalas kong naririnig tuwing kausap siya.

"Ano po 'yun? May problema ba?" tumatawag lang kasi sa akin si Atty. Reyes sa tuwing may importanteng sasabihin, problema o 'di kaya mga kailangang papeles. Kaya nakapagtataka na napatawag siya sa akin ngayon.

"Wala, wala namang problema hija." naririnig kong natatawa nitong saad. Dahil dito ay nakahinga ako ng maluwag. "Sasabihin ko lang sana na may darating kang bisita sa darating na Lunes. Sa school n'yo, alas kwatro ng hapon, sa may garden. Alam mo naman kung saan 'yun diba? Doon kayo magkikita."

Hindi ko man nakikita pero pakiramdam ko nakangiti sIya habang sinasabi ang lahat ng ito sa akin. Itatanong ko pa lang sana kung sino nang bigla na lang nyang in-end ang call.

Si attorney talaga, kung minsan hindi pa linawin ang lahat ng sinasabi. Kung makapagbigay ng impormasyon para lang isang bugtong. Sabagay, sanay na ako sa kanya madalas kasi nahuhulaan ko rin ang lahat ng sinasabi nIya kaya siguro nakasanayan at napagkatuwaan na niyang laging ganito sa tuwing nagbibigay siya ng impormasyon sa akin.

Mabilis na dumaan ang mga araw at Lunes na naman, may pasok ulit tulad ng dati. Hay buhay, grabe katamad lang. I hate Mondays ang boring kasi.

"Rene! Ang aga natin ngayon ah." narinig kong sambit ni Kate na masayang tumatakbo sa direksyon ko.

"Dati na akong maaga 'no, 'di mo lang napapansin." reklamo ko sa kanya sabay simangot.

"O bakit ganyan ang mukha mo? Lunes na Lunes haggard agad?" biro niya pa sa akin.

"Ang boring kasi eh, gusto ko pang matulog." sabay hikab at kamot ko sa ulo na parang bagong gising lang. Tinawanan niya ako.

"Adik talaga 'to! Kailan ka nga ba hindi naging bored kapag school na ang pinag-uusapan?" ani Kate sabay tawa ng malakas.

Sinimangutan ko lang siya.

"Uy wait, hindi ba ngayon 'yung labas ng nakuha nating grades sa exam? Tara tingnan natin!" sabik niya pang-anyaya sabay hila sa akin.

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya. Huminto ako sa paglalakad at natatawang napakamot sa sarili. "Ayoko ikaw na lang. Sigurado naman na boploks pa rin ang grade ko tulad noon eh."

Ano pa ba ang aasahan niya sa akin. Mag-aral? Ha. Subalit kahit anong pagpupumiglas at pagrereklamo, hindi ko na rin siya napigilan. Pilit niya akong hinila at kinaladkad sa harap ng bulletin board kung saan nakapaskil ang lahat ng nakuha ng mga estudyante sa nagdaang exam.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon