Chapter 46 ♬ Putting Up The Pieces

47.6K 807 56
                                    

Chapter 46

(Not super Revised & Edited.LOL. Dispensa amigos.)

Serene's POV

     Kaninang umaga...naaalala ko kung gaano kalakas ang tawanan namin nila Nyree at Kelly tungkol sa gagawing Fans Club ni Clarisse sa sarili naming banda.

     Kaninang umaga... naaalala ko kung paano kami naghaharutan habang tumatakbo sa gilid ng daan papasok sa school para naman maiba at nang hindi na mapagod si manong Raul sa kakahatid sundo sa amin.

     Kaninang umaga... naaalala ko pa kung paano namin napansin na may sumusunod sa amin na pulang kotse pero hindi na lang namin binigyan pa ng pansin kahit na ba nagkatinginan at nagkangisian na kami sa maaaring mangyari.

     Kaninang umaga... naaalala ko rin kung paano nila kami inambangan ng nagsisi-ulanang shuriken sa daan pero agad din namin itong nailagan at napatumba silang lahat ng mas mabilis pa sa inaasahan.

     At kaninang umaga lang... naalala ko pa kung paano ako umupo saglit sa gilid ng daan para isintas ang tali ng sapatos ko kasabay ng malakas na pakiramdam na may hindi magandang mangyayari at nang marinig si Jace na isinisigaw ang pangalan ko

Kaninang umaga lang...

Pero bakit ganun? Pakiramdam ko napakatagal ng nangyari iyon? 

Kasama si Jace na nakahiga sa mga braso ko mula sa pa pagsalo ng bala na dapat ay sa akin-- hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Bakit nya ginawa yun? Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kung pati sya mawawala sa tabi ko, kasi, k-kasi mahal ko sya. Matagal na. Pilit ko lang itinatanggi sa sarili ko dahil alam ko na ganito rin ang mangyayari-- iiwan nya ako tulad ng pag-iwan sa akin ni Pietr at ng pamilya ko.  

"I already called the ambulance master. Just hold him tight everything will be okay." pang-aamo sa akin ni Kelly habang si Nyree naman ay  busy pa rin sa pakikipaglaban sa mga hindi matapos tapos na pagdating ng mga kalaban. Nakita ko na lang silang dumating kaya nagulat din ako pero salamat sa kanila dahil ngayon alam ko hindi nila kami pababayaan. 

Kung pwede lang tapusin ko na silang lahat dahil sa ginawa nila kay Jace, ginawa ko na. Pero hindi ko kaya... hindi ko kayang bitawan ang kamay nya ng mag-isa dahil pakiramdam ko kapag ginawa ko yun  mawawala na rin sya sa akin. 

"Jace please kaya mo yan. Magsisimula pa lang tayo di ba? Saka sabi mo hindi mo ako iiwan?" 

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako kanina pa hindi ko man lang napansin. Please, please Lord tulungan nyo lang po sya itatama ko na talaga lahat ng pagkakamali ko...please, please, please...

Para namang dininig ang panalangin ko ng may biglang dumating na tulong. Tinulungan nya sila Nyree at Kelly sa pakikipaglaban. Sobrang bilis at lakas, limang tao agad ang napatumba nya. 

"Serene" lumapit nya sa direksyon ko. Nakatulala lang ako, nakatingin, gulat na gulat dahil sa nakikita. "Anong nangyari kay Jace?" naaalarma nyang tanong sabay buhat sa kanya

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon