Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (The Fight)

35.9K 719 64
                                    

Dedicated ito sa kanya :) Thank for supporting and reading my story. Godbless always dear!!! :)


Vote.Comment.Vote.Comment.

P.S. Please read the Author's Note in the end. If you don't... oh well.... Sayang naman. It's your lost *evil laugh*

***

Chapter 70

(HAHAHAHAHAHHAHAHA!!)

Sigawan sa paligid. Labanan. Tuloy tuloy lang kami sa pagtakbo ng makapasok na kami sa kagubatan. Hindi ko alam kung ilan na ang natumba sa pagpasok pa lang dahil sa umpisa pa lang marami na ang dali-daling naglaban. Medjo madilim sa paligid dahil magdadapit hapon na pero nagtuloy tuloy lang kami na para bang dito lang nakadipende ang buhay namin. Umakyat at lumambitin kami sa mga puno ngunit maya't maya'y agad na napatago sa malaking sanga ng punong kinatatayuan ko. 

May naghahagis ng shuriken! at hindi ko alam kung saan ito nanggagaling. Dito pa lang marami na ang natamaan at natumba na mga kasabayan naming tumatakbo kani-kanina lang. Tsk. Hindi na nag-ingat. May lumabas na isang grupo ng mga lalaki sa likod ng isang puno na sa tingin ko ay syang naghahagis ng shuriken kanina. Wala pang ilang sandali may ibang grupo na ng gang ang sumugod sa kanila at nagkaroon ng labanan sa pagitan nila. Umalis na kami bago pa maipit sa gulo. Pero tulad ng dati mukhang gulo ang pilit na lumalapit sa akin. Dahil bago pa ako makalapag sa lupa ay may biglang tali na umikot sa isa sa mga paa ko, sunod ko na lang na napansin ay hinihila na ako nito pabalik! What the heck?!

"Come here sweety, let's see whose the gang leader I'm baiting now." may evil smile sa mga labi nya. Alam nyang ako ang gang leader sa amin dahil ako lang naman ang may suot ng relo. May suot din syang relo kaya isa rin syang gang leader na tulad ko.

Sumugod ang mga kasama nya na nagtatago mula sa mga halaman at sinugod sila Julian. One on one kaming lahat sa bawat isa kaya kahit gusto akong tulungan nila Niel ay wala silang magawa. Kailangan muna nilang matapos ang mga kalaban nila bago nila ako tulungan. Hindi ko alam kung saang gang at saang lupalop ng mundo sila galing pero malakas syang humila ah! Ngumiti ako kahit na ba alam kong hindi nya makikita iyon dahil sa suot kong maskara. Mabilis akong tumayo at nakipaghilaan sa kanya dahil sa tali na nasa paa ko. Nagkaroon rin ng mangilan ngilang sipaan at suntukan sa pagitan namin pero wala pang ilang sandali, nakita na lang nya ang sarili nya na nakatali sa isang puno. Napatumba na rin nila Reece ang mga kasama nya.

"Hey! What the hell?! Get me outta here!!" 

Tumakbo na kami palayo at hindi mapigilang mapangisi. Itinali at ibinitin rin pala nila Nathan ang ilan sa mga kasama nya. Karamihan pa sa kanila ay naiwang nakabitin sa puno ng patiwarik. Naghigh-five ang mga lalaki naming kasama dahil sa success ng una naming nakalabang gang. Hindi naman siguro bawal na hindi manakit at pumatay kung hindi kinakailangan di ba? Ang kailangan lang naman ay mapigilan mo silang makapunta sa tuktok para hindi sila maging hadlang pagdating mo roon. 

Marami pang sumugod sa amin sa hindi malamang direksyon kung saan sila nanggagaling. Ngunit madali  lang namin silang napapatumba at tuloy tuloy lang sa pagtakbo na parang walang nangyari. Ikot dito sabay sipa, ilag at talon. Imbes na matakot natutuwa pa ako dahil nag-eenjoy ako sa labanang ito. Merong iba na medjo nahirapan kami at nadaplisan ng konti pero bukod pa doon nothing serious had been done. 

Pagdating sa medjo gitna ng kabundukan, napahinto kami ng may makitang napakataas na pader na nakaharang sa amin. Marami ring ibang kasamang gang na nakatingala sa napakataas na pader pero lahat busy sa pag-iisip kung paano makakatawid dito. Wala ni anong tali o bato na pwedeng pagtungtungan. Masyadong malayo ang mga puno para may mapag-akyatan. Merong iba na sumubok na umakyat gamit ang mga sandata nila pero nabigo sila. Meron din sumubok na basagin ang pader, akyatin, at maghanap ng butas na maaring lusutan ngunit lahat sila ay nabigo. Dito ko napagtanto na nandito na kami sa parte na kailangan na naming gamitin ang utak at hindi puro pisikal lang. A good leader should always find a way out in every circumstances. And that's the challenge here. 

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon