Chapter 15 ♬ Officially One of Us

62.3K 1.1K 50
                                    

CHAPTER 15 - OFFICIALLY ONE OF US 

SERENE


Tinawagan ako ni Mr. Valdez kaninang umaga dahil may praktis daw ngayon. Katatapos ko lang ng isa ko pang kantang isa-submit sa kanya kaya saktong-sakto lang. Gumawa na akong dalawa para just in case may choices siya kung ayaw niya ng nauna. Nalapatan ko na rin ng tamang tono thanks to Jace. I am currently working at another new song para kung nagkaroon ng problema sa dalawa ay may Plan C ako. Mabuti na lang Sabado kaya walang pasok.

Matapos ang ilang linggo na paghahanda ay sumapit na rin ang Setyembre. Sa Biyernes na magsisimula ang Battle of the Bands kaya lahat kami ay nasasabik na sa maaaring mangyari.

Pagdating ko sa band studio nakita ko si Niel at Jace na naroon na, ngunit 'yung tatlo ay wala pa. Aba, maaga ako ngayon ah.

Napansin ko na bukod sa kanila ay may babaeng kausap si Niel. Nagtatawanan pa nga sila kaso hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod 'yung babae sa akin. Si Jace naman sa ikalawang banda ay nakaupo pa rin sa dati niyang pwesto habang may hawak na gitara. Katulad ko ay nakasuot din sila ng sibilyan ngayon.

Pumasok ako sa loob para batiin sila ng isang magandang umaga subalit nang humarap ang babae sa akin mula sa kinauupuan niya, napahinto ako at hindi nasabi ang sasabihin ko.

Clarisse.

Tulad ko, halatang gulat din siya matapos akong makita. Wala pang ilang sandali nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mula sa gulat, napakunot siya ng noo na may halong inis. Ngunit ilan pang sandali ay bigla na lang itong napalitan ng isang matamis na ngiti. A very fake one.

"Anong ginagawa ng isang loser dito sa banda n'yo Niel?" malakas nyang tanong na tila ba sinasadya na marinig ng lahat ng nasa loob ang pahayag niya kaya napatingin sa akin sina Niel at Jace upang makita kung sino ang tinutukoy niya.

"Clarisse, isa siya sa—" hindi na natapos ni Niel ang sasabihin noong nagtaas ng isang mahabang daliri si Clarisse sa harap niya. Hindi inalayo sa akin ni Clarisse ang tingin.

"Naliligaw ka ba? Pasensya na pero bawal kasi ang mga loser dito, allergic sila." Humalukipkip siya sabay taas ng isang kilay. Ang ngiti niya ay halatang nang-iinis. Humakbang siya papalapit sa akin, ang yapak ng mataas niyang black heels ay ang tangi kong naririnig sa paligid. She stopped in front of me, her high black stilettos towering over my blue sneakers. Iniangat ko ng konti ang tingin sa kanya. Kung tutuusin hindi rin naman gano'n kalayo ang height namin pero dahil palagi siyang nakatakong, nadadaya niya ang kanya.

"Ano pang tinatayo mo riyan? Shoo."

"Why would I?" Ginantihan ko siya ng tingin bago nagtaas din ng isang kilay. Hindi pa niya siguro alam na miyembro ako ng banda.

"Why would you?" ito ang singhal niyang wika sabay tawa na kala mo baliw ang kausap niya. "Bawal ang non-member dito kaya alis!" Pilit niya pa akong tinutulak palabas ng pinto. Kulang na lang ay kaladkarin niya ako sa labas mapalabas lang.

"Ano ba, bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ko sa hawak niya. Her long beautiful manicured nails are digging through my skin pero hindi niya ako binitawan.

Sa totoo lang napipikon na ako sa kanya. Hanggang dito ba naman? Kapag hindi ako nakapagpigil papatulan ko na talaga 'to.

Napatigil si Clarisse sa ginagawa niya ng may humawak sa kamay niya na nagtutulak sa akin. Sabay naming iniangat ang tingin sa kung sino man ang taong ito. Katulad ko ay hindi niya naitago ang pagkagitla noong makita si Jace na inilalayo ang kamay niya sa akin.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon