Chapter 53 ♬ Conflict

47.8K 757 67
                                    

(A/N: Hola! dedicated pala 'to para sa kanya dahil sya ang unang nagcomment dun sa last chappie ko ~_____^ hope ur reading this and thank u so much for reading my story

 

Thanks for waiting!

 

***

Chapter 53

(Not super Revised & Edited. Dispensa mi amigos. LOL)

 

Rico's POV

Hello! Wow first POV ko ito ah! Siguro hindi ko naman na kailangang magpakilala di ba? Kilala nyo naman na ako eh kaya wag na! Basta hindi pa naman ako ganun katanda dahil sixteen pa lang naman ako, ang baby boy ng banda. *winks*

 

"Rico mukhang busy yata ang lahat ng tao dito ah." napatingin ako kay Nathan dahil sa pangangalabit nya.

Si Shane busy sa computer samantalang si Niel at Jace naman busy sa paglalaro ng playstation. Nandito kami sa music room/tambayan namin. Since wala pa naman kaming gig ngayong mga panahong 'to, naging kaugalian na namin na dito ang pagtambayan sa tuwing walang ginagawa.

"Psst! Shane! Anong ginagawa mo? Palaro naman pleaseeee??" 

"Dun ka nga! Busy ako eh." kung makataboy naman 'to... ouch, ang sakit sa feeling ah.

"Busy daw. Eh saan naman? Patingin." 

Aktong kukunin na yun ni Nathan ng bigla itong inalayo ni Shane sa amin.

"Nope. Hindi pwede." --Shane

"Eh bakit nga patingin lang naman eh." sabi ko

"Yung babae pa rin ba yan sa group chat na nakilala mo?" --Nathan

"Oo nga! Ano na ba yung name nun sa chatbox? May chocolate chuchu yun eh."

"Mysterious Chocolate!" pahayag ni Nathan

"Oo! Yun yon!! Grabe adik siguro yun sa chocolate" 

"'Mysterious' talaga eh noh? Ano kayang itanatago nya at talagang napakamysterious ng dating sa akin nyang babaeng yan?" --Nathan

Hindi sumagot si Shane pero nakita namin na hindi nya mapigilang ngumiti.

"Huli ka 'tol! Haha! Sino ba yan ah? Ipakilala mo na kasi sa amin!!" tumalon kami sa sofa ni Nathan at saka pinagitnaan si Shane.

"Lumayo nga kayo sa akin! Shupi!"

"Naks si Shane oh in love na!" asar ko sa kanya na may kasamang siko

"Grabe napaglilipasan na tayo ng panahon Rico! Looks like love is in the air." --Nathan

"Sus! Eh di ba meron ka na rin?" 

"Sino naman?" --Nathan

"Eh di yung Dora girl na ikwinekwento mo sa amin! Hahaha! Bagay kayo nun! pramis!" tawa ko

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon