Chapter 62 ♬ Confession

38.4K 697 78
                                    

Chapter 62

(Revised & Edited.)

 

Serene's POV

Wala akong nagawa kundi magtakip na lang ng mga mata. Wala akong nakita. Wala akong nakita. Lalalalalalala. 

Marami na akong nakita na nakatopless na lalaki sa daan lalo na sa Canada tuwing summer! Pero iba 'to eh, ang ganda ng katawan wow lang. Sa katawan pa lang halata na na nagwowork out sya, hindi uber uber na muscle man pero ok na ok na as in swak na swak! Kahit sinong babae mapapatulala na lang sa kanya... parang ako ngayon. Nganga. 

"S-sige l-labas muna ako. Magp-palit ka muna." 

Nakakahiya! Nakakahiya! Waaaah! h=Heto na naman at nagsstutter ako pahamak! Puso. Kumalma ka lang okay?

 Tumayo ako ng para bang isang robot at dumiretso palabas ng pinto. Hindi ko na sya binigyan ng tingin kasi nahihiya na ako sa pamumula ng mukha ko. 

"W-wa-wait waaah!--" oof! 

Ano ba sa tingin nya ang ginagawa nya? Waah! Kung sa kanina ay namumula lang ako ng konti, ngayon pakiramdam ko buong mukha ko pula na! Hilain ba naman ang braso at saka ibaon ang mukha ko sa uber uber waaw na dibdib nya eh pakiramdam ko matutunaw na ako sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang hiya.

Lupa. Please. Lamunin mo na ako ako ngayon din!

Pero infairness ang bango nya ah. Amoy mint and after shower. (lande)

Niyakap nya ako ng napakahigpit na para bang kapag hindi nya ginawa yun baka maitangay ako ng hangin at mailayo sa kanya. Ipinatong nya ang kanyang ulo sa aking leeg at pakiramdam ko natutunaw ang mga tuhod ko sa bawat mainit na hiningang nararamdaman ko rito. Noong una purong awkwardness, pero habang tumatagal nagiging kumportable na rin ako. Sa kanyang braso alam kong ligtas ako...

"I'm sorry." he breathed in my ear. May sinasabi pa syang iba pero masyado akong busy na ninamnam ang bawat sandali kaya nanatili akong nakapikit.

Ah? Teka wait, ano raw?

Tinitigan ko sya mata, pababa ng konti at-- waaaah!! nakalimutan ko wala pa rin pala syang saplot pantaas! Dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto nya at naghanap ng damit na una kong mahablot. Nang makahanap, inihagis ko ito ng nakatalikod sa direksyon nya. 

"Magbihis ka muna please!" 

Ang hirap kasing mag-isip kung ganun ang nakikita ko. Nakakadistract.

Napatingin ako sa paligid at namangha sa kaayusan at kalinisan ng kwarto nya. Halos lahat ng gamit nakaayos, walang magulo, walang nakakalat. Nahiya naman daw ako sa sarili kong kwarto. Daig pa ata ng pinagsama samang bagyo, tsunami at tidal wave ang dumaan sa kwarto ko eh. 

Ay wait, time-perst. Seriously? Pumasok nga ba talaga ako sa kwarto nya ng walang pasabi? Wuuut d'hell?! Sabi na sa inyo eh distraction talaga ang nakita ko kanina. 

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon