Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (One Final Blow)

39.4K 760 60
                                    

Dedicated sa kanya :) Thank u! Thank u po for reading my story!!! Ingat lagi! And keep inspiring!!

VOTE.COMMENT.VOTE.COMMENT

***

Chapter 70

(OH YEAH!)

 

 

It takes time for me to realize whats really happening to my almost perfect life. Everything seems to be crumbling down, Jace, gang, and Sharie... I feel a cold hollow space here in my heart... And now I can't stop asking myself. "Why is this happening to my life?"

 Muling bumalik ang diwa ko sa kasalukuyan ng may marining akong dahan dahang yabag ng mga paa, na tila ba nag-iingat, nagmamasid sa bawat galaw na aking gagawin. Unti unti kong hinayaan ang sarili na tumingin sa kanya. Mula sa lupa pataas kung nasaan ang mga mata nya pero wala akong makita kundi dilim, dilim na unti unti ng bumabalot sa amin. Naglalakad sya sa isang tila ba hindi nakikitang linya sa lupa. Papaikot habang nakatuon ang nagmamatyag nyang mga mata sa akin. Nag-umpisa na rin akong maglakad at dahan dahang umikot, minamatyagan namin ang galaw ng bawat isa para sa isang dwelong mangyayari sa pagitan namin. 

Isa lang dapat ang matitira sa amin. Isa lang at walang ng iba.

Sa isang kurap tila ba muling huminto ang pagtibok ng puso ko. May mabilis na paggalaw papalapit sa akin at bago pa man makareact ay bigla na lamang itong matamang tumama sa akin na nagdulot ng pagkabagsak ko sa lupa. Pinunasan ko ang gilid ng aking mga labi at nagulat na lang ng makita ang dugo sa aking kamay. Sinugod nya ako ng walang pagdadalawang isip at hindi ko man lang ito namalayan. Ang inakalang kong mainit na yakap at sabik na halik sa muli naming pagkikita ay malayong malayo sa nangyayari sa amin ngayon. Ang yakap ay naging suntok at ang halik ay naging isa na lamang panaginip na akala ko'y magiging totoo. Dahil nandito ako ngayon, sa harap ng taong mahal ko... nakikipaglaban para sa kaligtasan ng sarili kong buhay. 

Dati naaalala ko na takot akong masaktan. Takot akong buksan ang puso ko at papasukin ang sino mang magtangka. Pero ngayon parang tadhana na mismo ang nagsabi na kapalaran ko na ang masaktan. Na maari magwakas ang buhay ko sa kamay ng isa sa mga taong pinapahalagahan ko ng lubos. Na ang lahat ng nangyayari ngayon ay isang kapalaran na hinding hindi ko na matatakasan pa. 

Nagkros ang mga kamay ko nang isang napakalakas na sipa ang tila ba bumangga sa akin. Napaatras ako sa malakas na depensang kanina ko pa ginagawa at ng makakita sya ng pagkakataon ay walang patumpik tumpik na pinakawalang muli ang napakalas nyang sipa. Holding his two pairs of long daggers, he hastily strikes it on my direction. I held my breath. Kung hahayaan ko lang na sya lang ang laging umaatake dito pa lang mamamatay na ako. Kaya ang ginawa ko, mabilis ko itong sinangga, pinilipit ang kamay nya hanggang sa mabitawan nya ang hawak. Hawak hawak ko na sya at kung tutuusin hawak ko na rin ang buhay nya. Once I collide my fist into his chest it could be the end of his life. Pero sa halip napakuyom na lang ang mga kamay ko sa itim nyang damit bago sya marahas na inilayo palayo sa akin. Tumalon ako palayo at hanggat maari ay naglagay ng distansya sa pagitan namin. Then I close my eyes.

Hindi ko sya kayang saktan. Hindi ko kaya. 

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon