Chapter 6 ♬ Unusual You

69.1K 1.3K 109
                                    

CHAPTER 6 – UNUSUAL YOU

SERENE

"I can't believe this! Mag-iisang linggo na wala pa ring nagdadala?!" halos mamaos na ang boses ni Ms. Christina kakasigaw at kakasermon sa amin. Sa totoo lang ay kanina pa siya salita nang salita, pauli-ulit na na lang na tila ba isang sirang plaka.

Napapakamot at napapahikab na lang ako sa kinauupuan ko. Hanggang kailan ba ito matatapos?

Tinutukoy ni Ms. Christina 'yung tungkol sa proyekto ng school. 'Yung tungkol sa pagandahan ng garden. Inasahan ko nang ganito ang kahahantungan nito kaya hindi na rin ako nagulat. Sandali kong inilibot ang tingin sa paligid at nakita na halos lahat sa loob ng klase ay mukhang bagot at inaantok na. Ano naman kaya ang aasahan mo rito? Section D ito hindi at naman Section A.

Simula noong nangyari sa akin ang masasakit na nakaraan sa buhay ko, bigla na lang akong tinamad mag-aral. Ewan ko ba. Kaya na rin siguro ako napadpad dito sa section na 'to dahil sa katamaran ko. Buti nga hindi ako napunta sa Section F. Kung dito pa lang wala na, paano pa kaya roon?

Nagtapos ang buong araw ko na mainit ang ulo ng adviser namin. Hindi naman ako apektado dahil wala naman akong pakialam sa kanya at ganu'n din ang mga kaklase ko. Pagtunog ng bell para sa susunod na subject, pare-parehas lang kaming walang reaksyon na lumabas ng classroom na para bang walang nangyari.

Niyaya ako ni Abby na pumunta ng banyo kaya sumama na rin ako dahil wala rin naman akong magawa. Sa may gilid ng hallway ay may nadaanan kaming grupo ng mga babae na nakatingin sa akin. There was a smug smile on their faces. Nakuha pa nilang magtawanan at magbulungan pero hindi ko na lang sila pinansin.

"Ang gagago ng mga 'yun ah," sita ni Abby sa kanila. Lalapitan na sana niya upang kumprontahin ngunit pinigilan ko siya.

"Hayaan mo na. Pumunta na lang tayo sa banyo."

"Hindi. 'Di ba 'yun mga grupo ng mga babaeng nang bu-bully sa'yo noong bago ka rito?"

Isang tingin sa mga babaeng iyon lalo na roon sa patpating babae na tumatayo nilang lider ay ang pagbabalik ng nakaraan sa isipan ko. Noong bago pa lang ako rito sa Princeton, ako palagi ang napagti-trip-an nila. Aksidente ko kasing natapunan ng pagkain ang pinakalider nila at magmula noon hindi na nila ako tinantanan. Naaalala ko pa na palagi akong umuuwi na may pasa o galos sa katawan noon sa bahay. Sa tuwing nakikita iyon ni Ate Desi ay alam kong nag-aalala siya sa akin. Pero sabi ko okay lang ako. Ayaw kong makita niya na hindi ko kaya. Sabi ko sa sarili ko hindi ako iiyak kahit masakit. Hindi ako iiyak... kahit pagod na pagod na ako.

Alam kong gusto nya tawagan si Mr. Reyes—ang private attorney ng family ko—tungkol sa pang bu-bully nila sa akin. Kami ang may-ari ng school kaya pwedeng sa isang utos ko lang ay expelled agad ang mga babaeng gumawa no'n sa akin. Pero hindi ko ginawa.

Sa bawat sapak at sa bawat tadyak na binibigay nila sa akin, hindi ako umiyak. Sa bawat sampal at sabunot, wala silang narinig ni kahit ano sa akin. Dumating pa sa punto na sila na ang napagod na manakit sa akin. Dahil para raw akong bato sa tigas. Walang reaksyon. Wala kahit ano.

Siguro dahil ubos na ubos na rin ako. Siguro dahil sa mga oras na 'yun gusto ko na lang din mamatay kaya hinayaan ko lang sila. I don't want to have the guilt of killing myself. Kung mayroon lang siguro akong dalang baril noong mga oras na iyon ay baka inabot ko pa sa kanila. Just one strike of a bullet in my heart... maybe it will stop the pain.

Padabog na lamang na binuksan ni Abby ang pinto ng banyo dahil sa inis. "Ang kakapal ng mukha ng mga babaeng 'yun. Ang dapat talaga sa kanila ma-expelled!"

"Tapos na 'yun. Hindi naman na nila ako ginugulo."

"Ay hindi. Walang tapos-tapos na. Kung hindi ko pa siguro sila nahuli sa ginagawa nila sa'yo noon sa may banyo baka hindi pa na-disciplinary office ang mga 'yun. Palibhasa kasi anak ng Congressman ang isa sa kanila kaya malakas dito sa school. Naku! Saktan ka pa talaga ulit ng mga 'yun ako na ang makakalaban nila." Galit pa niyang dinuduro sa harap ng salamin ang suklay na hawak na akala mo naroon ang kalaban niya.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon