Chapter 3 ♬ Quit or Go?

78.6K 1.2K 60
                                    

CHAPTER 3 – QUIT OR GO?

SERENE

Hindi ako nagsalita at sa halip ay pinakiramdaman muna ang nasa kabilang linya.

"Serene?" sabi ng boses na agad na nakakuha ng atensyon ko. Pamilyar ang boses niya. Isang boses na nakasisigurado akong sa kanya lang manggagaling. Gayunman, kailangan ko munang makasiguro kung tama nga ang hinala ko. Mas mabuti na ang gano'n.

"Who's this?"

Naghintay pa ako ng ilang sandali bago muling nakarinig ng sagot mula sa kanya. Sa bawat sandaling iyon ay ang marahan na pagpatak ng oras sa orasan na nakasabit sa may dingding ang tangi kong narinig.

"Guess who," sabi pa niya na may mapaglarong tinig. Hindi man ako agad sumagot, napasinghal naman ako ng ngiti. Ang kapal ng English accent niya. Lalaking-lalaki ang boses, ang sarap sa tenga. Sa tono pa lang alam ko nang hindi siya taga rito. Kung hindi ako nagkakamali, maaaring tama nga ang hinala ko. Isa siya sa mga kaibigan ko sa Canada! Hindi ko na napigilan ang ngiti na gumuhit sa aking mga labi.

"Julian, is that you?" Narinig ko ang marahan niyang pagtawa.

"You got it!" Bingo! Kahit hindi ko siya nakikita, pakiramdam ko kumikindat siya dahil tama ako sa aking hinala. Mula sa kinauupuan ay bigla akong napatayo. Halata ang gulat at sabik sa aking mukha. Hindi ko akalain na tatawag siya sa akin! Dumiretso akong ng higa sa malambot kong kama.

"So how are you? How's Canada? How's everybody? Oh my gosh, I miss you all!" Nakakamiss talaga siyang kausap. Sobrang saya ko na tumawag siya. Dali-dali kong pinunasan ang luha sa mga mata pero habang ginagawa ito ay inilalayo ko ang cellphone mula sa akin. Ayoko kasing marinig at malaman niya na umiyak ako. Nang masigurong okay na ako pati ang boses ko, muli kong ibinalik ang cellphone sa aking tenga.

"Same old, same old."

"How's everyone? How's Reece, Sharie and Kuya Paul?" Kulang na lang ay tumalbog na ako sa pagkasabik na makarinig ng kahit na anong balita tungkol sa mga kaibigang naiwan ko.

"They're all good. We all miss you here Serene. Nothing is the same, now that you're not here." Malungkot akong napangiti. Tama nga siya.

Nothing is the same anymore.

"Oh look at me, I'm definitely destroying the mood, eh? This conversation was supposed to be a happy one!" sita niya sa sarili noong hindi na ako sumagot. Bumalik ang saya sa tono ng boses niya. Pinagpatuloy niya ang pagkukwento upang mapalitan ang malungkot na mood na muntik na sanang mabuo.

Marami siyang mga baong banat na talaga namang nakapagpatawa sa akin. Kahit kailan talaga mambobola parin ang loko. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya kahit noon pa man. Dahil sa mabulaklak niyang dila, napapa-oo niya agad ang kahit sinong babaeng gustuhin niya. Mabuti na lang at na-immune na ako sa tagal ng pagsasama naming dalawa. Wala nang talab sa akin ang kahit na ano pang hirit at kalokohan niya.

Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan na animo'y wala nang bukas. Miss na miss ko na sila. Miss na miss ko na rin ang dati kong school. Sa pamamaraan pa lamang ng pagkukwento niya ay ramdam kong masaya siya kaya hindi ko tuloy maiwasang mahawa. Ngunit alam kong sa likod ng kasiyahang nararamdaman ko ngayon ay nagkukubli ang kalungkutan. Kalungkutan na nabuo buhat nang iwan ko sila para pumunta rito.

Nagbiruan pa kami ng konti at nagkwentuhan tungkol sa maraming bagay hanggang sa umabot kami sa topic tungkol sa akin. Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa akin ngayong araw na 'to.

"Why not consider to sing again or even just to play piano or violin? Come on, give it a try once more. I know you like it. You love it. You crave for it."

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon