Epilogue

2.9K 113 25
                                    

(Hi! I suggest you listen and watch “Did I Mention - Mitchell Hope” from Descendants before continuing. Pero choice n'yo kung papanoorin or hindi.)

Ito na ang ilang buwan kong pinagkait na chapter! Enjoy < 333

LYRIE

Dalawang oras na akong naghihintay kay Tatiana dito sa labas ng paaralan namin. Napag-usapan namin na susunduin niya ako pagkatapos kong kunin ang mga naiwan kong gamit kahapon, noong tumulong ako sa isang proof namin. Sa awa ng langit, hindi na ako nakapag-shift ng kurso dahil last three months ago, nakapag tapos na ako sa kurso kong Accountancy. Ilang balde rin ng luha ang nailabas ko noong gumawa kami ng feasibility study at kung-ano pang kailangan para maka-graduate. Today, I'm happy to say na nakaya ko ang halos limang taon kong paghihirap.

  Almost two years and a half na kami ni Tatiana. Minsan may mga away at galitan, pero madalas naman kami naglalandian. Mas lalo siyang na busy sa trabaho niya ngayon dahil ipinasa sa kanya ang gawain ng daddy niya for three months. Ngayon sana kami magkikita para sa date namin dahil sunday at wala siyang trabaho. Pero malapit na mag alas sais at wala pa rin siya. Six thirty pa naman ang reservation namin sa restaurant na pupuntahan sana.

  Tinawagan ko ulit ang number niya at nang wala na talagang sumagot, bigo ko itong pinasok sa bulsa ko. Naglakad nalang ako papunta sa malapit na jeep stop, kung saan may konting linya ng mga galing sa trabaho ang naghihintay. Bago pa ako makasali sa kanila, isang pamilyar na sasakyan ang bumusina sa harap ko. Binaba nito ang bintana at kumaway ang dalawang nakasakay.

  “Hey, Ly!” bati ni Debby at lumabas para lapitan ako at yakapin.

  Sumunod naman si Mandi at niyakap din ako bago batiin. “Hi, Ly. Ano ang ginagawa mo dito?”
 
  Agad ko naalala ang nangyare kaya mabilis akong napasimangot. “Si Tatiana kasi.”

  “What did she do again?” taas kilay na tanong ni Debby.

  “Nangako siyang susunduin niya ako kanina para sa date namin. Eh dalawang oras na ako naghihintay tapos wala pa rin siya.”

  “Tinawagan mo na ba?” tanong ni Mandi.

  Tumango ako. “Oo. Inubos ko na nga ang free seventy text ko sa kaka-text sa kanya. Kulang nalang utusan ko ang mga ibon na kasama ko kanina para maghatid ng mensahe.”

  “Oh. How about we go to her house? Baka nakatulog na naman,” wika ni Debby.

  Napatango naman kaagad ako. Hindi ito unang beses na nangyare ang ganitong senaryo. Maraming pagkakataon na niya akong  nakalimutang sunduin dahil nakatulog ito sa sobrang pagod. Naiintindihan ko naman dahil alam kong marami siyang ginagawa. Medyo naiinis lang talaga ako ngayon kasi noong isang araw pa ako excited para sa date namin, tapos hindi naman pala matutuloy.

  Pumasok ako sa back seat, at pumwesto sa gitna nila. “Bakit pala kayo napadaan dito?” tanong ko.

  Inginuso ni Mandi si Debby. “Gusto niya bumili ng art mats kasi may balak siyang i-hand paint ang isang part ng dingding sa kwarto. Mas malapit kasi kapag dito dumaan eh.”

  Tumango ako at hindi na nagsalita. Sa pagod, hindi ko namalayan na napaidlip pala ako. Ginising nila ako ng mahina nang makarating kami sa bahay ni Tatiana. Nagpasalamat ako bago lumabas at naglakad papunta sa pintuan. Kinatok ko ito at hindi naman nagtagal bago binuksan ng isa sa kilala kong katulong nila.

Strange FateWhere stories live. Discover now