Chapter Twenty Five

2.5K 131 5
                                    

Lyrie

  “Wala na ba yung masungit kanina?”

  Umiling ako kay Tania habang
papasok kami sa loob ng bahay. Hinatid na namin ang tatlo sa nirentahan nila at pinagpahinga na doon.

  Mga baliw sila, ni-drive pala nila mula City papunta dito.

   “So naniniwala ka na?” tanong ko nang makapasok kami sa kwarto para makapagbihis ako.

  Tumango ito at nagkibit-balikat. “Medyo. At hoy! Grabe naman 'yun makatingin! Pero gurl, ang kinis-kinis at ang ganda. Ano kaya ang skin care routine nun?”

  Tumango ako sa pag sang-ayon. Sobrang ganda nga talaga no Tatiana at parang pinaulanan ito ng kakinisan.

  Binuksan ko ang cabinet kung saan nakalagay ang mga damit ko at isa-isa itong tinignan. Napansin kong umupo sa gilid si Tania, habang ako naman itinanggal na ang aking pang-itaas para palitan ito ng napili ko. Simula high school ay sanay na kami magbihis kasama ang isa't isa. One time pa nga ay nagsabay kaming apat na maligo dahil kailangan magmadali sa girl scout event noon.


  “Bilisan mo na diyan at–ay kabayo!”

  Napatalon kaming dalawa sa gulat nang biglang bumukas ang pinto habang nagsusuot ako ng damit.

  “H-h-hi!” wika ni Tania na nakatingin sa naiinis na mukha ni Tatiana.

  Tinapunan ko ng tingin si Tatiana na humihingos pa habang nakatingin sa akin. “Tatiana! Hindi ba uso ang kumatok? Paano kung nakahubad ako? Ha? ”

   Inirapan lang ako at umupo sa kabilang side ng kama.

  “It's uso din kaya to change alone. Why do you have company while changing ba?”

   Ayan na naman siya sa kanyang mga reklamo.

  “Kasi kaibigan ko naman 'yan at hindi kami talo! Yuck.”

  “Hoy Lyrie! Sumusobra yang yuck mo. Tsaka, m-miss-” tinignan niya si Tatiana na tinaasan lang siya ng kilay, “-huwag ka mag alala, totoong hindi kami talo kasi may boyfriend po ako. ”

  Biglang umilaw ang mukha ng isa at ngumiti na sa kay Tania. May sira talaga 'to minsan–kadalasan pala.

  “Great! I'm Tatiana de Rendalve. You?”

  Nabigla si Tania sa biglang pagiging friendly niya at ako naman ay umiling lang.

  “Tania Geraro, Tania nalang.”

  May kaba pa konti sa boses ng kaibigan ko ngunit ngumiti pa rin ito. Itong si Tania ang ingay kapag sa amin pero kay Tatiana tumitiklop. Weak. Sabagay, ako rin naman kung nasa harap ko na si Tatiana at bigla-biglang nagiging sweet.

  “Where are you two going?”

  “Sa b-birthday ko. May kainan kami sa bahay, p-pwede kayo sumama,” pag-iimbita ng kaibigan ko.

Strange FateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora