Chapter Forty-One

2.4K 98 19
                                    

Lyrie

Itong babaeng ito, kung hindi lang talaga ako mabait ay kanina ko pa itinapon. Isang week na noong nagpakita siya na parang walang nangyare, at isang week na rin niya akong kinukulit. Halos araw-araw may ginagawang pakulo para lang magpapansin. Imbes na kiligin ako, mas lalo lang tuloy ako nainis kasi hindi man lang talaga siya nanghingi ng patawad bago magsimula.

  Tapos na ang one week event sa school namin at ngayon ay balik klase na naman kami, which means walang baby Ly na sasama sa akin dahil mabubusy ako. Matapos gawin lahat ng pinagawa ay lumabas na ako at hinanap ang mga kaibigan ko.

  May bigla namang lumitaw sa gilid ko. “Hey, Lyrie. ”

  Binigyan ko ng ngiti si Josh na tumabi sa akin habang naglalakad.

  “Hi, Josh. Kumusta ka na?”

  “Ito, nabusy. Namiss ka rin, ” sabi niya sabay kindat.

  Tinawanan ko lang ito hanggang sa nakita ko ang pamilyar na pinto ng canteen. “Maglulunch ka?”

  Tumango ito. “Oo.”

  Naglakad kami papunta sa table ng nga kaibigan ko. “Dito nalang ako. Pupunta ka ba sa mga kaibigan mo? ”

  Tumango naman siya kaya ngumiti ulit ako. “Ingat ka! Kain din ng marami para hindi ka mamayat. ”

  Mas lumawak ang ngiti niya. “Sige, boss. Sabi mo eh.” Nagpaalam din ito sa mga kaibigan ko na nakatingin lang sa amin.

  Naupo na ako sa bakanteng upuan at nilabas ang baon ko.

  “Hoy, kailan mo siya sasagutin? ” tanong ni Hugo habang sumusubo sa pagkain niya.

  Nagkibit-balikat ako. “Wala naman siyang tanong, bakit ako sasagot? ”

  “Gaga ka talaga. Wag mo paasahin si baby boy ah. Kawawa naman,” wika ni Rafa.

  Ngumuso ako. “Sinabihan ko na nga na itigil na ang panliligaw eh. Ayaw niya naman!”

  “Pero si Tatiana? Ano na balita sa inyo? ”

  Napangiwi naman ako sa pangalang narinig. “Kate ang panget ng pangalan bakit mo minemention? Kumakain ako oh!” wika ko sabay turo sa pagkain ko.

  “Ikaw ang suplada mo na ah. Pero gurl, mas gumanda si ateng ghoster ngayon, ” sabi ni Rafa at umiling-iling pa.

  “Lyrie. ”

  Napadpad ang atensyon namin kay Aikah. Sobrang seryoso ng boses neto na nagpataas ng kilay ng girlfriend niya.

  “Naalala mo ba ginawa ko sa'yo noon?”

  Tumango ako.

  “Pinatawad mo ba ako?”

  Tumango ulit ako.

  “Gawin mo rin sa baby mo,” sabi niya at ngumiti.

  Mabilis itong siniko ng kanyang jowa. “Gaga, forgiveness is important but revenge is amazing. ”

Strange FateWhere stories live. Discover now