Chapter Forty-Nine

2.7K 110 7
                                    

Lyrie

To say na masaya ako sa naging decision ko is an understatement. After letting go of what had happened in the past, I can finally see how happy I can be with Tatiana. Naintindihan ko na ngayon ang lahat ng nangyare. Hindi ko naman sasabihin na tama iyon dahil alam kong maling-mali talaga, pero I can feel the sincerity she's showing right now, and I could never hold against her what she did in the past. We are both contented with what we have and I'm happy to say na we're going strong. It's been five months-hindi ganun katagal, but I know na we're still learning with each other.

Narito kami ngayon sa bahay at naghahanda sa maliit na salu-salo dahil bibisita si Lynrie mamaya. Narito rin ang mga kaibigan ko pati na rin si Sasha. Missing in action na naman si Mandi at Debby na nahahalata kong napapadalas na ang pagsasama.

"Are you excited to see baby Ly again?"

Napangiti ako nang maramdaman ko ang paghila sa akin ni Tatiana papunta sa kanya.

Tumango ako. "Super. Gusto ko na ipakita sa kanya ang mga pinamili ko."

"Mhm, me too. You smell so good, hon." Nakakulong ngayon ang ulo niya sa leeg ko habang nakayakap sa aking likuran.

Alam din nila mama at papa ang lahat, gulat nga ako nang malaman kong ayos lang pala sa kanila. Pinakaba pa ako noong umamin ako, 'yun pala noon pa halata ang mga pinaggagawa ko. Laking pasalamat ko nalang dahil hindi lahat katulad ng magulang ko. Mabuti nalang at mabilis akong natanggap, I'm thankful for that.

"Ang PDA ninyong lahat masyado. Hustisya sa mga single nga."

Natawa kami kay Hugo na ngayon ay naka tingin sa amin. Si Sasha at kuya ay naguusap sa kabilang sofa, si Aikah at Kate naglalandian din sa kabila, kami ni Tatiana naglalambingan, habang silang dalawa ni Rafa naman ay kumakain ng dalang cookies ni Aikah.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok sina Debby at Mandi na may hawak na mga regalo. Agad namang nalipat ang attensyon sa kanila.

"Ano ba 'yan! Dadagdag din kayong dalawa sa mga naglalandian dito?"

Kumunot ang noo ni Debby. "What? Naglalandian? Who?" Nilibot niya ang mga mata niya sa paligid at natawa naman siya pagkatapos kay Rafa. "No, no. I actually texted Mandi on the way and I thought na it's nice to save money sa pamasahe. Diba, Mands?"


Tumango naman si Mandi na halatang nahihiya rin sa tingin ng lahat.

"Debby, are you sure you're not doing anything to this poor cutie girl? She's always so flustered oh, tell us Mandi if she's doing bad ha."

Natawa kami sa sinabi ni Tatiana at inirapan naman siya ni Debby. "What will I do bad ba? We are good friends kaya, diba?" Siniko niya pa ng mahina si Mandi na tumango-tango naman agad.


Nagtataka tuloy ako bakit parang tameme ata itong kaibigan ko ngayon. Alam ko naman na hindi siya pala-kausap sa mga tao, pero kakaiba ang katahimikan niya ngayon. Parang may halo itong hiya at hindi ko maipaliwanag ang isa. Kailangan ko itong kausapin mamaya.

"Hi!"

Agad na nabaling ang aming atensyon sa pag pasok nina Lynrie at ng nanay niya. Mabilis akong napangiti at agad na tumakbo para kargahin ito.

Strange FateWhere stories live. Discover now