Chapter Twenty Nine

2.2K 120 16
                                    

Lyrie

“You are so lame. Why did you let Tatiana go with that Zion dude?” wika ni Sasha habang nakupo kami sa isang table na naka-assign sa kanila.

  Kahapon nang umaga ay ni contact agad ako nila Sasha at Debby na dapat umuwi raw ako ng maaga. Bukas pa sana ang uwi ko dahil 'yun ang naka schedule sa amin pero pinaayos nila kaya kaninang umaga ay nakalipad ako pauwi. Sila ang nag bayad sa lahat ng gastusin kaya medyo nakakahiya rin kung icacancel ko. Tsaka gusto ko rin naman maging present sa birthday ni Tatiana. Kaumay kaya kapag puro lang kami tawagan.

  “Kakausapin lang naman daw,” sagot ko.

  Aamin akong kanina habang hawak-hawak niya si Tatiana papuntang stage ay nagselos talaga ako. Bagay na bagay sila, pero mas bagay din kami. Hindi ako pwede magpatalo.

  “I don't trust that guy. He's always annoying us about Tatiana and he's a douche too. Ako sa'yo, I pulled Tatiana na sa kwarto and sinolo nalang nakin.”

  Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Sasha. Nitong mga nakaraang araw ay mas naging close kaming dalawa. Sabi niya pa na number one shipper daw siya namin ni Tatiana.

  Tinaasan niya ako ng kilay. “What? It's true naman. You're so mahina sa pag claim sa girl mo.”

  “Hoy! Hindi naman. Hinahayaan ko siya kasi may tiwala naman ako sa kanya eh. ”

  Inirapan lang ako ni Sasha at inilahad ang kinakain niya na tinanggihan ko.

  “Lyrie. ”

  Mabilis akong napangiti nang marinig ko ang boses ni Tatiana. Nakatingin ito sa amin ni Sasha at naka taas ang kilay.

  “Lyrie don't forget what I said ah? Take care. Mwah. ”

  Nabigla ako nang biglang halikan ni Sasha ang pisnge ko sabay bulong, “She's turning red. ”

  Halos patapon na itinulak ni Tatiana ang kaibigan niya. “Get out of my sight, Sasha. You're so annoying. ”

  Tumawa lang ang isa at naglakad na papalayo.

  Nang makasiguro ito na umalis na, itinuon niya ulit ang atensyon sa akin. “Can you wipe your cheek? You're always letting people touch you, kiss you, hug you. Nakakainis na,” reklamo niya pa at umupo sa tabi ko.

  Pinandilatan ko ito ng mata sa akusasyon niya. “Wala naman akong hinahayaan ah, mga kaibigan naman 'yun.”

  “Whatever. What did you and Sasha talked about?” seryosong tanong niya.

  “Wala naman. Mga bagay-bagay lang. Kayo ni Zion?” seryosong tanong ko rin.

  “Oh nothing. I turned him down lang, that's all.”

 Mabilis na tumaas ang kilay ko. “Nanligaw siya? ”

  “He asked me to be his girlfriend again, but I refuse. He's not my type. ”

  Namula naman ako nang tignan niya ako. “B-bakit? ”

  “Really? You're asking me that? ” parang naiinis niya pang tanong

  Pero bago pa niya ako paulanan ng litanya ala Tatiana, ngumiti nalang ako sa kanya at hinablot ang regalo ko na nakatago sa gilid ng upuan.

  “Oh. ” Inabot ko ito sa kanya at tinignan niya naman ako na parang gulat pa.

  “What's this? ”

  “Baka elepante, Tatiana. ”

  “Whatever. Thanks. ” Dali-dali niya itong binusan at lumaki naman ang mata niya nang makita ang laman.

Strange FateWhere stories live. Discover now