Chapter Thirty Six

2.2K 114 15
                                    

Lyrie

Pustahan tayo mag brebreak yang dalawa ilang months from now,” sabi ni Rafa habang nakatingin kay Aikah and Kate na naglalampungan sa harap namin.

  Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang maging heart broken ako. Hanggang ngayon ganun pa rin naman, pero mas ayos na kaysa noon. Iniwasan ko rin ang social media kahit anong temptation pa ang nagpilit sa aking mag open dahil alam kong active siya doon. Isasampal lang ng internet sa mukha ko ang kasiyahan ni Tatiana sa iba.

  “Ako pupusta ako magtatagal 'yan,” sagot ko naman. Kitang-kita ko kasi ang pagkagusto ni Aikah kay Kate, na hindi ko nga alam bakit kasi sakit naman sa ulo 'yang kaibigan namin.

  “Pinagpupustahan nila tayo baby oh,” sumbong ni Kate sa jowa niyang nakasubson sa dibdib niya. Ang lalandi talaga.

  “Hoy, Kate! Call sign namin yan noon. Baby, diba Aikah?”

  Namula naman agad si Kate, habang nag apir kami ni Aikah.

  “Pake ko, ex ka naman na. Ako na ang bago, huwag ka mag selos, Lyrie,” pagsusungit niya pa.

  “Ahh, bakit ako magseselos? Ako naman ang naunang naging baby niyan. ” Umiwas ako habang tumatawa ng malakas dahil bigla akong hinagisan ng ballpen habang ang sama ng tingin. Ang sadista naman.

  Ibinaling niya ang kanyang tingin sa jowa niya at ngumuso. “Edi huwag na mag baby. Iba nalang call sign natin. ”

   Tumawa naman kaming lahat dahil halatang nagseselos talaga ang isa.

  Tumawa ako. “Ayan, Kate, pikon na pikon ah. ”

  Inirapan niya ako. “Manahimik ka pinagpalit sa malapit. ”

  Ngumuso naman ako sa sinabi ni Kate. Ouch, nang rerealtalk.

  “Lyrie, baka wala talagang para sa'yo,” biglang sabi ni Hugo na ngumunguya na naman ng pagkain.

  “Gago, hindi pa ngayon ang time.”

  “Kailan kaya? Hindi ka pa ata nagka jowa na tumagal ng isang taon. Palagi ka pang iniiwan at pinagpalit. Baka single talaga ang patutunguhan mo.”

  Umirap ako sa biglang paglipat ng panunukso sa akin. “Si Kate at Aikah dapat inaasar natin eh, huwag nga kayo ganyan.”

  Diniwalan lang ako ni Kate at niyakap papalapit ang jowa niyang lumalangoy sa non-existing na dibdib niya.

  “Alam n'yo bang may meeting by kurso next week? May i-announcement daw ang ating head at nakaka excite ito!” sabi ni Mandi na nakatingin sa cellphone niya.

  “Saan ang amin?” tanong ni Hugo at lumapit sa kanya.

  “Malay ko, maghanap kayo aba.”

  “Hi, guys! ” biglang sulpot ni Sasha habang nagpapaikot ikot ng susi sa kamay.

  Mas lalo kaming naging close at mas nakilala ko rin itong si Sasha. Akala ko kasi noon siya ang pinaka snob at nakakatakot kausapin, turns out siya pala ang pinakamabait, kasunod ni Debby.

Strange FateWhere stories live. Discover now