Chapter Forty-Three

2.3K 102 3
                                    

Lyrie

Matapos kumain ay nagligpit ako ng pinggan habang nag-usap naman ang dalawang magkaibigan. Ayaw kong mainis kay Sasha sa pagdala kay Tatiana dito kasi hindi naman siya ang dapat sisihin. Wala naman ibang dapat sisihin kung hindi si Tatiana mismo. Hindi ko lang maintindihan 'yang babae na 'yan! Kung kailan malapit na ako maka move on ng bongga, saka naman siya babalik. Anong akala niya sa akin, marupok? No, duh. Malakas na ako ngayon.

  Makikita mo talaga Tatiana.

  May bultong biglang sumulpot sa kusina at pumwesto ito sa gilid ko. “Hey, hun. I'm sorry for arguing kanina but you should really not accept other guy na manliligaw.”

  Sinamaan ko siya ng tingin habang nagpupunas ng kamay. “At sinong may sabi sa'yo na pwede mo akong utusan?”

  Akala niya magsusunod-sunuran ako. Pwe. Gusto kita pero hindi na ako tanga.

  “Me. Let's have a date. Tomorrow?”

  “No. Busy.”

  “The next next day?”

  “Busy. ”

  “Sunday? You won't have any class, I'm sure you have a free time.”

  “Nope. Still busy.”

  “Lyrie naman. I just want to talk to you-”

  “You're talking to me.”

  “Not this way. I want to explain what I did noon. I want to apologize for all the troubles and pain.”

  Nagtaas kilay ako. “Pwede naman ngayon.”

  “I don't want to. It's not a good place. I want it to be sweet.”

  “Edi wag. Ang dami mong arte. Mag date ka mag isa mo.” Sumasakit ang ulo ko sa babaeng ito.

  Umalis ako sa kusina at nilapitan si Sasha. “Sash, make yourselves comfortable ah. Magpapahinga na ako kasi maaga pa ako bukas. Goodnight.”

   Hindi ko na kinibo si Tatiana at umalis na ako papunta sa kwarto. Bahala na siya doon. Naiistress pa ako sa kagandahan niya.

  May side sa akin na gustong pumayag sa pag-aya niya at malaman ang explanation niya sa nangyare pero may side rin sa akin na nagsasabing huwag muna. Hindi ko na idedeny, meron pa rin namang feelings na naiwan para sa kanya, medyo malaki pa—scratch that, malaki pa talaga. Hindi nabawasan ng kahit isa, at ang mas malala pa ay lumalaki ito lalo. Kaya natatakot ako na baka madali nalang akong bumigay sa kanya kapag pumayag ako. Natatakot din akong masaktan na naman. Hindi ko alam ang takbo ng nararamdaman niya. Maaring ngayon ay naghahabol siya, tapos bukas aalis at tatakbuhan ako.

  Itinapon ko ang unan ko sa inis.

  “Ano ba ang ginagawa mo sa akin, Tatiana!” inis kong tugon sa hangin.

* * *

  Kinabukasan ay maaga akong nag-ayos para sa presentation namin sa isang major subject. Kapag malaki raw ang puntos namin ay makakalusot kami sa tatlong sumusunod na test. Habang naglalagay ako ng gamit sa bag, nagulat naman ako nang may kumatok. Nakakapagtaka, wala naman kaming bisita ni kuya ngayon at kung si kuya man 'yan ay hindi naman siya kakatok.

  Ang aga-aga naman.

  Pagkabukas ko ay tambad sa akin ang fresh na fresh na si Tatiana. May hawak itong kape at paper bag. Nakangiti siya habang naka pose sa harap ko kaya nahiya tuloy ako sa sobrang fresh niya.

Strange FateWhere stories live. Discover now