Chapter Twenty-one

2.5K 119 2
                                    

Lyrie

  Hello! Anlalaki n'yo na ah. Kumusta kayo mga, anak?” masayang bati ni auntie habang inisa-isa kaming halikan sa noo ni Ally at John.

  Hindi nakasama si kuya dahil busy ito sa kanyang klase at sina mama naman ay marami pang ginagawa.

  Ngumiti ako sa kanya. “Ayos naman po. Masaya at naka bakasyon na naman kami ulit. ”

  “Oh sya, pasok! Ang ate n'yo ay nasa bakery pa. Busy doon. ”

  Ang ate na tinutukoy ni auntie ay ang anak niya na pinsan namin. Sobrang close kami ni ate dahil dito ako noon tumatambay kapag wala akong ginagawa. Tumango naman kami at inilapag ang gamit sa kwartong gagamitin naming tatlo. Malaki-laki ito at kasya pa ang iilang tao. Nahiga na ang dalawa dahil sa pagod, habang ako ay nag bihis agad para kitain ang mga kaibigan ko.

  Patakbo kong tinungo ang kusina kung saan naghahanda si Auntie. “Auntie, alis muna ako ah? May kikitain lang po. ”

  Tumango ito. “Ingat! Mag text ka kung magagabihan ka. ”

  Tumango rin ako at masayang lumabas.

  Sa wakas!

  Naalala kong kailangan ko pala itext si Tatiana ngayon, himala nga at hindi ako ni-text una. Sabagay, baka busy din siya.

:Hi! Kakarating lang namin. Sorry ngayon lang. Kumusta ka?

Tatiana:I'm fine. You? Are you not hilo na ba? Take care, I'm with Annie now. Ttyl.

  Oh, si Annie ba yung pinsan niya? Mabuti naman at nang makapag bonding sila. Nag send ako ng ‘okay ingat’ at smiling sticker bago inoff ang cellphone ko.

  “Lyrie!” malayo palang ay rinig ko na ang sigaw ng isa sa mga kaibigan ko.

  Tumakbo ito hanggang sa makalapit sa akin, at bigla akong niyakap.

  “Dahan naman, Tania! ”

  Medyo naiipit na ako eh, wagas naman kasi kung makayakap.

  “Namiss lang kita!”

  “Miss you too, girl. Asan na sila?” tanong ko sa kanya nang magsimula na kaming maglakad.

  Ayaw niya pa ring bitawan ang kamay ko dahil sa kadahilanang antagal ko raw hindi umuwi. Mga 4 years lang naman!

  “Andun pa sa mga bahay nila, punta daw tayo kina Gresh, doon sila dederetso. ”

  Tumango ako at sinunod nalang kung saan siya papunta, dahil nakadikit naman din ako.

  Bigla niya akong hinatak papalapit at halos matumba na ako sa lakas. “Hoy! Ang ganda nung kasama mo sa picture noong isang araw. Ang familiar ng mukha. Saan ka nagpa-picture nun?”

  Sinamaan ko ito ng tingin bago napangiti. Hays, kung alam n'yo lang na hindi ako ang nagpapicture, siya ang nagpapicture sa akin. Haha!

  “Sa bahay 'yun, tumambay lang. ”

  “Tumambay? Kailan pa naging tambayan bahay n'yo?”

  “Simula nung isang araw. ”

   Binatukan niya ako sa sagot ko at tumigil na sa paglalakad. “Andito na pala tayo. Wala ka talagang sense kausap,” wika niya at bumitaw na sa akin para mabuksan ang gate nina Gresh.

Strange FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon