Chapter Nineteen

2.6K 142 10
                                    

Lyrie

Ma, ano meron sa kay Tatiana? Bakit biglang ang tahimik?” hindi ko mapigilang mag tanong kay mama.

  Pagkalabas ko kasi sa kwarto matapos magbihis ay hindi na ako pinansin. Ginawa ko na lahat ng pangungulit, puro iling at irap lang ang sinagot sa akin.

  “Aba'y ewan ko. Kayo mag usap at nagkakasundo naman kami ng batang iyan. ” Edi wow kay mama, sila na.

  Pinasadhan ko ito ng tingin na hindi niya ata napansin. Nakabusangot pa rin siya at nakatutok lang sa cellphone niya. Nagdasal muna ako saglit bago tumabi sa kanya sa sofa. Umusog ito papalayo, kaya umusog naman ako papalapit. Inisin ko lang.

  Nang hindi na ito makatiis sa akin, hinarap na niya ako. “Do you understand the thing called personal space?”

  Ngumiti lang ako dahil sa wakas ay nagsalita na siya. “Bakit ka galit? Dahil pa rin ba ito sa pagtawag ko ng ate sa'yo? Sorry na nga eh. ”


  Ang grabe naman pala netong babaeng ito kapag tinawag na ate. Galit na galit talaga.

  “I'm not mad. ”

  Hindi halata sa namumulang ilong niya ah.

  “Sige, as if maniniwala ako diyan. Bakit nga?”

  No response. Back to ignoring na naman siya.

  “Tatiana, bakit nga?”

  Wala pa rin itong sagot.

  “Hoy! Bakit nga?”

  Grabe, wala pa rin.

  Paano ko ba ito makakausap ng matino? Mag joke nalang kaya ako sakanya.

  “Tatiana, knock knock,” wika ko, at tinignan siya.

  “Oh, sige. Who's there?” ako nalang ang nagsalita para sa kanya, tutal wala naman talaga siyang balak makipag-usap.

  “Neon,” sagot ko.

  “Neon who?” tanong ko.

  “Neon, neon sinta. Buko ng papaya~” Natawa ako sa kinanta ko at nakita kong medyo umangat ang labi niya kaya natawa pa ako lalo.

  “Tumawa siya. Ayieee,” tukso ko.

  Mabilis itong ngumuso at inirapan ulit ako. Sa sobraang dami ng irap niya sa isang araw, nagtataka ako kung hindi ba naiinat ang ugat niya sa mata.

  Nagkunware akong nasaktan sa hindi nito pagtawa. “Tatiana, kung ayaw mo ako kausap tanggap ko naman. Sabihin mo lang. ”

  Inis niya ako hinampas ng mahina sa braso. “Why didn't you tell me na you're leaving tomorrow?”

  Oh, ayun pala. Kaya ba siya galit kasi aalis ako bukas? Mamimiss niya kaya ako?

  “Ay! Oo nga pala. Nakalimutan ko hehe... ”

  Naghintay ako na magsalita siya, pero wala, nakatutok na ngayon sa cellphone niya.

Strange FateWhere stories live. Discover now