Chapter Nine

3K 156 4
                                    

Lyrie

Close pala kayo ni Tatiana?” tanong ng isang kasamahan ko sa trabaho habang nag-aayos kami ng mga upuan.

  Nagulat din ako kanina sa biglaang pagtagpo namin ni Tatiana. Nakilala ko pa ang kaibigan niya. Unbelievable.

  Hindi naman as in, magkakilala lang. ” Sana nga close pa kami as in, miss ko na siya eh. Ang saya kasi kasama.

  “Ang gaganda nilang magbabarkada noh? Pati si Ma'am Sasha pala kaibigan nila.”

  Isa rin 'yun sa kinagulat ko. Kaibigan pala ni Tatiana ang anak ng boss ko. Mabait naman si Ma'am Sasha, hindi lang talaga palasalita.

  “Oo, gaganda nga.” Ipinatong ko ang panghuling upuan bago nilapitan ang gamit ko na nakapatong sa counter. “Mauna na ako sainyo ah? Tapos naman na ang gawain ko, tatapusin ko pa mga ipapasa ko eh,” Pagpapaalam ko sa kanila at tumango naman sila. “Bye!”

  Pagka-labas ay napahinga ako ng maluwag. Kulang pa ang pera para sa tuition fee ko.

  Hindi naman ito minamadali, pero kailangan din talaga na nakasigurado na ang pera. Hindi ako araw-araw nag-duduty sa coffee shop kaya kalahati lang ang natatanggap ko. Malaki-laki naman iyon pero kulang pa rin talaga. Palagi rin kasing nababawasan pang gastos ko sa pag-commute at pangkain.

  “Hey.”

  Napatalon ako sa gulat nang may nakita akong babae sa harap ko. Anong ginagawa niya rito?

   Napahawak ako sa dibdib ko at sinamaan siya ng tingin. “Bakit ka ba nanggugulat? Mamatay akong maaga sa'yo 'eh.”

  Natawa siya sa kumento ko. Grabe, pati pag tawa ang ganda at tunog sosyal talaga. “I was waiting for you. Can I take you out on a dinner? I'll drive you home na rin. ”

  Sandali, bakit ba niya ako inaalok? Kung hinahangin lang ako, iniisip ko na talaga na may gusto ito sa akin. “Bakit? ”

  “I want to eat with someone, naisip ko baka hindi ka pa nag di-dinner so I waited for your shift to be done,” sagot niya at nagkibit-balikat.

  Grabe, naghintay siya? Ang alam ko kanina pang alas-sais sila lumabas, so malamang ay naghintay siya ng dalawang oras sa akin. Ang special ko naman.

  “Grabe, wala ka bang ibang kaibigan? Bakit ako napili mo? Crush mo na ba ako?” Nag bibiro lang naman ako sa mga tanong ko pero namula naman siya.

  “I have lots of friends. Kaso lang, all of them are too busy. To answer your last question, no. You are not my type and I'm straight. ”

  Okay, ouch yung last part ah. Medyo natamaad ako ng konti sa 'you are not my type' niya, pero ngumiti lang ako ng pilit at tinawanan siya.

  Nag jojoke lang ako.”

  Hindi niya na ako sinagot at basta nalamang akong hinila papunta sa kotse niya.

  “Hoy! Sandali, bakit ka ba nanghihila-aray! ”

  Binitawan niya ako nang makarating na kami sa harap ng sasakyan niya. Medyo sumakit naman ang kamay ko dahil napahigpit ang hawak niya kaya hinawakan ko ito at hinihimas. Anong klaseng kamay ba 'yun? Kamag anak ba ni superman?

Strange FateWhere stories live. Discover now