Chapter Fifteen

2.7K 138 11
                                    

  Lyrie

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Ako ay nasaktan, sobra. Napahiya rin sa pamimilit ko na ikinainis na si Tatiana sa akin. I'm sure hindi na ako nun kakausapin. Tsaka sa kanya na mismo nanggaling na ayaw niya akong kasama.

  Ang sakit naman.

  Cheer up! Marami pang chix sa manok! ”

  Tinignan ko ng masama si Kate na tumawa naman sa akin. “Tigil-tigilan mo ako, masama pa timpla ng puso ko. ”

   Umiling ito at inakbayan ako. “Alam mo, Lyrie, may mga bagay na dapat talaga nangyayare para saktan tayo... Para masaktan tayo. ”

  Tinignan ko ulit siya ng masama dahil hindi na talaga nakakatulong ang nga pinagsasabi niya.

   “Tigilan mo na nga 'yan, Kate. Inaasar mo pa kita mo namang nasasaktan na yung tao 'eh,” singit ng isa ko pang kaibigan.

  Matamlay kong ningitian si Mandi sa sinabi niya at tumango naman ito.

  “Hindi ko talaga lubos maisip na ganun ang sinabi niya. Alam ko namang maganda siya at high ang standard niya pero hindi niya naman kailangang maging bitch tungkol sa nangyare at sabihan ka ng ganun,” wika ulit ni Mandi, habang umiiling.

   Magsasalita na sana ako pero biglang may sumingit.

  “Sabihan ng ano? Sinong bitch? May umaway ba sa'yo Lyrie?”

  Napadpad ang tingin namin kay Hugo na isa sa mga kaklase ko, at kaibigan din.

   “Wala. Huwag mo silang intindihin. Tagal nating hindi nagkita ah?”

  Ngumiti naman siya at lumapit para yakapin kami isa-isa. “Nabusy ako kakatapos sa mga dapat ipasa, alam niyo na, malapit na ang summer at kailangan walang istorbo,” sagot niya at naupo sa mesa.


  Napaisip tuloy ako, oo nga at malapit na ang summer pero wala pa akong plano sa gagawin ko. Gusto ko sanang mag patuloy nalang kahit summer pero gusto ko rin magbigay oras sa sarili ko para makahinga, hindi sa hindi na ako humihinga, sakal na sakal lang talaga ako sa mga nangyayare sa buhay ko, pati sa Gobyerno.

   “Tignan mo itong si Hugo, sobrang seryoso. Tas itong si Lyrie hindi sineryoso.”

  Mabilis na tinakpan ni Mandi ang bibig ni Kate, at taka namang tumingin si Hugo sa kanila.

  Itong babaeng 'to talaga. Walang preno kung magkwento.

    “Anong nangyare sa'yo? Magsabi nga kayo. ”

   “Wala,” “Pinaasa siya,” sabay naming wika ni Kate.

   “Ha? Pinaasa? Wala ka namang jowa o ka MU ah? Akala ko ba titigil ka na sa internet love na 'yan!” medyo may inis na sabi ni Hugo.

  Noong nalaman niya kasi ang nangyare sa last relationship ko, nagalit ito ng sobra kasi ang walanghiya lang daw nung ex ko.

Strange FateWhere stories live. Discover now