Chapter Five

3.5K 162 27
                                    

Lyrie

@TatianaR just followed you, tap to follow back.

  What the?

  Hala?

  Seryoso?

  Tinignan ko ulit ang cellphone ko para ikumpirma kung totoo ba ang nakita ko o baka nagiging delulu na ako sa kakaisip sa babaeng nagpapakita na pati sa panaginip ko.

  At totoo nga! Ni-follow nga ako ni Tatiana! Dali-dali akong tumakbo papunta kay Ally, ang nag-iisa kong babaeng kapatid, at pinakita sa kanya ang notification.

  Marahan ako nitong hinampas sa braso. “Sana all, ate! Bakit ikaw lang yung ni-follow? Bakit ako hindi? Daya naman ni Ate Tatiana. ”

  Nagkibit-balikat ako sa sagot niya at napangiti sa iniisip ko. Hays, iniisip niya ba ako? Madali lang ako magka-crush sa isang tao kaya hindi ko makakaila na marupok talaga ako. Nalaman ko rin naman na mabait si Tatiana minsan, at sobrang talino rin! Masipag rin pala ito sa school dahil andami niyang orgs na sinalihan, naging president pa siya sa dalawa. Hindi naman halata na nang stalk ako.

  “Anong ningingiti-ngiti mo riyan, ha?” tanong ni papa nang pumasok siya sa kwarto. May kinuha ito sa cabinet at tinaasan ako ng kilay.

  Umiling lang ako at ngumiti. Tinignan ko ang notification, ni-screen shot ko iyon at sinend sa mga kaibigan ko. Nagulat naman sila sa nangyare at hindi makapaniwala na si Tatiana raw mismo ang nag-follow. I know right.

  “Ang kapal mo sa part na hindi mo siya ni-follow back,” wika ni Ate Nicole, isa sa mga internet friend ko.

   Nakilala ko lang ito dahil sa paggawa-gawa ko ng mga dummy account. Marami na akong mga internet friends, kadalasan nga lang sa kanila ay nasa Manila. Kasalukuyan kaming naka-call dahil ibinalita ko na naman sa kanya ang panibagong crush ko. Legit na malapit na crush.

  “Wag muna ngayon. Hindi ko naman siya inutusan na i-follow ako, kaya hindi ako obligado na mag follow back, ate. ”

  Naramdaman ko ang mahinang pagtawa niya sa likod ng telepono. “Ewan ko sa'yo, ang dami mong al-”

  Naputol ang pagsasalita ni Ate nang biglang sumigaw si mama. “Lyrie! Lumabas ka muna riyan! May bisita tayo!”

  Napakunot ang noo ko. May bisita? Eh bakit ako lalabas? Ako ba yung hangad ng bisita?

  “May bisita raw kayo. Labas na hoy!”

  Umiling naman ako at biglang naalala ko na naka call lang pala kami. “Ayaw ko. Malay ko sino 'yang bisita, tsaka kaya na nila 'yon. ”

  “Tamad mo talaga. Labas na!” pamimilit niya pa. Isa pa 'to eh, tigas din ng ulo.

  “Bahala na muna sila doo—”

  “Hey, I thought I'd come and say hi. ”

  Napatayo ako ng mabilis sa biglaang pag-pasok at pagsalita ng babaeng iniisip ko bago lang.

Strange FateWhere stories live. Discover now