Chapter Thirty Seven

2.2K 111 2
                                    

Lyrie

“Ang cute cute naman ni baby ly,” sabi ni Hugo nang makita niya kaming papalapit sa table nila.

  Isang taon na ang nakalipas nang pumayag sina Mama at Papa na ampunin ang baby na pinangalanan naming Lynrie. Nagdoble kayod pa ako upang mapakita sa kanila na seyoso ako sa pag tulong. Tumulong din si Sasha pati na rin si Debby na ginawa naming mga ninang. Mahal na mahal namin si Lynrie na naging star baby na ng pamilya.

  Isang taon na rin ang nakalipas simula nang iniwan ako biglaan. Masakit pa rin ang ginawa niya, syempre. I feel betrayed kasi akala ko seyoso siya sa akin. May mga gabi pa na hindi ko kinakaya at naiiyak nalang ako bigla sa mga naaalala ko. Kahit hindi kami ganoon katagal na nagsama ay may mga memorya naman kaming nakatatak na sa puso't isipan ko. Tapos alam n'yo yun? Yung insecurities na lumilitaw dahil sa ginawa niya ayaw talagang mawala.

  “Baby, ikaw ata ang lucky charm namin kasi dumadami ang bumibili sa ating stall oh, ” sabi ni Kate na nakangiting karga si Lynrie.

  Syempre, kapag lucky ang ate, lucky din ang baby,singit ko at inayos ang damit ni Ly.

  Ngayon ay ang simula ng one week celebration namin ng school's foundation day. Isang week na mahihinto ang klase para maki-celebrate ang lahat. Nag set up ng mga booth ang mga istudyante depending on their courses, at kaming mga accountant ay napili ang food booth na dagsa nga ngayon.

  “Ang cute talaga ni baby Lyn, bakit hindi nagmana sa'yo?” Ngumuso ako sa sinabi ng kabatch kong nakatingin sa amin.

  Nagpalingon-lingon si Lynrie sa amin at tumigil naman ang kakagalaw niya nang makita ako. “W-we. ”

  Napangiti ako sa tawag ni Ly sa akin. Inabot na ito ni Kate habang pinanggigilan pa rin.

  “Alis lang kami saglit ah? Libot ko lang itong baby ko. ” Nag paalam ako sa kanila at naglakad na palayo sa booth namin.

  Maraming booth pa ang nakatayo, marami ring students from different schools ang bumisita. Marami akong pinagstop over-ran kasi tinawag-tawag ang baby ko eh. Halos kada tent ata may nanggigigil. Paano ba naman, sobrang cute niya kasi.

  “Baby Ly!” masayang salubong nila Sasha at Debby sa amin.

  Naalala kong inimbitahan ko pala silang mamasyal sa school kasi nagiging busy ang dalawa sa mga work nila eh.

  “Ang cutie-cutie naman ng inaanak ko, you are mana kay Tita Debs talaga.”

  Ngumuso naman ang isa. “No. You're mana kay Tita Sash. Diba, baby?”

  Napa iling nalang ako sa pag-aagawan nilang dalawa. Masyadong spoiled nila ito eh. Halos kada buwan ay may pinapadalang laruan o damit na sobrang mahal pa ng tatak.

* * *

  “Kumusta pala ang work? ” tanong ko nang makaupo na kami sa isang restaurant na katapat lang ng school.

  Napagdesisyonan naming kumain at mag catch up muna dahil ilang weeks din kaming hindi nagkita. Wala masyadong tao sa loob kasi naroon ang mga estudyante at bisita sa loob, busy kakalibot sa aming booth.

  Umismid si Sasha. “Stress. ”

  “Super stress, ” sagot naman ni Debby.

  “Huwag kayo magpastress ng sobra. Ang tatanda n'yo na tuloy tignan, ” komento ko at tumawa.

  “Shush, bata. Wag ka nga,” sabi ni Sash at nikiss kiss pa ang cheek ng kapatid ko.

  “It's good seeing you again, Lyrie. Nakakastress pala talaga ang adulting stage. I can't even remember the last time I had a date, ” reklamo ni Debby na ngumuso pa.

Strange FateWhere stories live. Discover now