Chapter Thirty Three

2.1K 98 7
                                    

Lyrie

Kindly pass this on friday. Class dismissed. ”

  Agad kong inimpake ang mga gamit ko at masayang lumabas ng silid. Magbubunyi pa sana ako sa matagal na schedule ng pasahan pero agad itong napawi nang makita ko ang nag-aabang sa akin.

  Pocha, andito na naman.

  Liliko na sana ako nang bigla ako nitong simundan, ending tumakbo ako at ganun din siya. Parang tanga lang.

  Lyrie! Tumigil ka nga! Hoy! ” sigaw niya at ako naman ay nag bingi-bingihan. Bahala siya, ayaw ko makipag usap. Ayaw ko maging taksil aba. Loyal ako kahit walang label.


  “Hoy!” At dahil mas matataas ang paa niya, naabutan niya ako. Mabilis niya akong hinila na muntik ko na ikatumba.


  “Ano na naman ba ang kailangan mo, Aikah?” hingal kong tanong sakaniya.

  “Gusto ka lang kausapin eh, sinabi kasi sa akin ni Prof Duaño na ikaw daw yung may pinaka mataas na grade sa klase niya noon kaya manghihingi sana kami ng kagroupo ko ng tips. ”

  Nahiya naman ako agad sa inakto ko. Luh shuta ang feeler ko naman kanina.

  Ah, ganun ba. Sige check ko muna 'yun tapos sasabihan nalang kita. Okay ba?”

  Tumango naman siya, hinihingal na rin. Baka inuuhaw na ito sa paghabol sa akin, kawawa naman.

  “Sorry ah? Hiningal ka pa tuloy. Gusto mo ba tubig?” alok ko, sabay abot sa kanya ng water bottle ko.

  “Bakit mo ba kasi ako tinakbuhan? ” tanong niya at ininom ang ibinigay ko.

  “Ahh, may pupuntahan kasi ako kanina…” Ayaw ko aminin sa kanya ang totoong dahilan dahil baka mapagkamalan pa akong hindi naka move on.

  Pagkatapos niyang lunukin ang tubig, tumingin ito ng deretso sa akin. “Thank you, Lyrie. ”

  Tumaas naman ang isa kong kilay. Alam kong hindi lang ito patungkol sa tubig ngayon. Sa sobrang lalim ng tingin niya umabot na ito sa mantle.

  Suminghap ito bago nagpatuloy: “Hindi mo ako iniwasan. I mean, ang sama ng ginawa ko sa'yo noon. No one deserves to be treated like that and you were so good to me pa. I'm really, really sorry. ”

  Nabigla naman siya nang niyakap ko siya. Walang malisya ito.

  “Okay lang iyun! Kalimutan na nga natin. Tsaka, parang kapatid naman din ang turing ko sa'yo. ”

  Naubo siya at nabuga ang tubig na naiwan sa bibig niya sa narinig. May mali ba dun?

  Anong kapatid? Kahit kailan talaga ang weird mo. Parang kapatid turing mo tas jinowa mo? Incest ba ang gusto mo?”

  Natawa naman ako sa reaksyon niya. Namali pala pagkasabi ko. “Hindi, I mean, noong tayo pa syempre parang jowa tingin ko sa'yo. Tapos nung nag break na tayo, bigla kong na realize kaya pala hindi ako masyadong nasaktan kasi hindi naman talaga full ang love ko. I mean love kita ha, don't get me wrong. Pero na realize ko rin na parang as a sister nalang, na parang gusto kitang gabayan sa tuwid na daan. ”

Strange FateWhere stories live. Discover now