Chapter Thirteen

2.9K 152 11
                                    

Lyrie

Hindi ako makagalaw. Para akong naistatwa sa kaba, kilig, tuwa, pagtataka, at marami pang iba. Hinawakan ko ang pisnge ko at takang lumingon sa kanya.


   Totoo ba 'yung nangyare?

   I-I was caught in the moment,” mabilis niyang sabi.

   “Uhm...” Wala akong masagot, obviously. Ikaw kaya halikan, walang pasabi, kahit sa pisnge lang.

  “I-I just want to uhm like... feel it? I'm sorry”

  Naramdaman ko ang pag lipat ng dugo ko sa mukha ko na para bang sasabog na ako. Nag sorry? Nagsisi ba siya?

  “A-ayos lang... ” mahina kong sagot.

  Para akong batang nanghihingi ng pera sa nanay na takot pero ang kaibahan ay hindi ko ito nanay, at hindi rin ako takot.

  “Tatiana?”

  “Hmm?”

  “Nagsisi ka ba sa ginawa mo?” tanong ko, at naglakas loob na tumingin sa kanya.

  Mahina itong umiling habang ang mata ay nakatingin sa akin. “No. Your cheek is soft. ” Ngumiti siya, at may napansing akong konting pamumula sa pisnge niya kaya napangiti rin ako.

  Nag blublush din pala siya ah.

  “Can I move closer to you?”

  Mabilis akong tumango, dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko hindi ko na alam ang tamang mga words...

  Ilang minuto pa kami natahimik at nagpalangoy-langoy lang sa pwesto namin. Pagkatapos ay inaya niya akong umupo sa gilid at inabot niya ang towel na dala namin para iharang ko sa likod ko, ginawa niya rin ito.

  “You know? I admire you and your family a lot. The bond you have, the closeness, the respect, the everything!” bigla niyang kwento.

  Natawa ako nang mahina nang nilakasan niya ng konti ang boses niya sa everything. “Thank you. Thankful nga rin ako sa kanila. Kahit bwesit na bwesit na ako sa mga kapatid ko minsan, mas nabwebwesit parin ako madalas. Kidding. Pero oo, kaya laking pasalamat ko kay Mamz at Papz 'eh. ”

   “When we were talking and I was asking about you and your siblings, they were so proud of telling me what you all have achieved. They even showed me pictures, and I noticed the frame of medals and certificates around your house too. I wish my parents is like that to me,” kwento niya.

  Naramdaman ko ang biglang paglungkot ng awra sa aming paligid. 'Yun pala ang nararamdaman niya sa parents niya. So never pala niya na feel ang ganun?

   “Binabati ka ba pag may mga awards ka?”

   “Sometimes. That's why I didn't inform them nalang. ”

   “Tatiana? Kapag hindi ka binati ng parents mo, sinabihan ng very good, or the best ka! Ikaw nalang bumati sa sarili mo, ” nagpause ako ng konti para mag-angat ng tingin sa kanya. “Kasi pareho naman kayo ng dugo na dumadaloy sa katawan ninyo. So kapag binati mo ang sarili mo, parang ni-congratulate ka na rin ng parents mo. Same blood, di lang same vibe.”

Strange FateWhere stories live. Discover now