Chapter Twenty Seven

2.6K 119 17
                                    

Lyrie

Matapos naming mag beach, kung saan muntik na kaming malunod, nag decide kaming maglibot-libot muna sa mga magagandang pasyalan dito. Nagpunta kami sa restaurants, namasyal sa plaza, at dinanan din namin ang iba pang kilalang tourist spots dito. Hating gabi na nang makarating kami sa bahay at inaya naman ako ni Tatiana na sa kanila raw matulog, tutal iba-iba rin naman daw sila ng kwarto.


  Syempre hindi ako pumayag.

  Pero napilit niya ako.

  Ito kami ngayon, magkatabi sa higaan niya habang nag uusap na naman.

  “Me and mom are fine now. Kaso si Dad? I don't know if I can forgive him.”

  “Kinausap mo na ba ang daddy mo?”

  “No. I don't want to. He's always calling but I won't answer him. I'm mad at what he did, I'm disgusted to call him my dad. ”

  “Tatiana, okay lang naman magalit ka. Sige, magalit ka lang hanggang sa maubos ang galit mo sa daddy mo. Pero ito, payong Lyrie, kailangan mo rin pakinggan ang daddy mo. I mean, hindi para sa kanya, but for you. ”

  Tumikhim siya at hininto ang paglalaro sa buhok ko. Oo, nilalaro na niya ang buhok ko at nakahiga naman ako sa tabi niya. Hindi pa nga rin ako makapaniwalang na same feelings pala kami. Nakakapanibago pa rin.

  “I just… I don't want to. I saw how my mom cried. She was hurt. I hate him. I hate him so much. ”

  “Sinabi ko bang kailangan na kausapin agad? Syempre hindi, bigyan mo rin ng time ang sarili mo at ang mommy mo na makapag isip-isip at makahinga sa sitwasyon n'yo ngayon. ”

  “I still don't want to…”

  “Edi huwag. Ganito nalang, kung hindi mo siya kayang patawarin, huwag na pilitin. Hindi ko alam kung gaano kasakit para sa inyo ang nangyare kaya kung ano ang sa tingin mo ay mas makakabuti sa'yo, go tayo roon. Pero hayaan mo na muna nga sila. Isipin muna natin ang ngayon.”

  Ngumiti ito at tumango. “Right. Let's focus on us muna.”

  Biglang nagkagulo ang mga hayop sa loob ng tiyan ko. Sa sobrang saya at kilig, hindi na ako nagtataka kung pati ang mga organs ko ay nakisali na rin.

  “May knock knock ako, pampagaan ng loob. ”

  Nagdalawang isip pa ito na pinandilatan ko naman ng mata. “What? ”

  “Knock knock ”

  “Who's there? ”

  “Hiking”

  “Hiking, who? ”

  “Hiking it like a wrecking ball, I never hit so hard your walls~” Natawa ako sa sarili kong knock knock at tinignan naman ako ng seryoso ni Tatiana.

  “I'm starting to get worried na if you're fine ba or you need medication, ” wika niya habang tinitignan ako.

  Hindi ko na pinansin ang komento niya dahil sobra pa nga ako sa okay ngayon. Ikaw ba naman katabi si Tatiana de Rendalve at sabihan na gusto ka niya.

Strange FateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora