Chapter Thirty Five

2.1K 111 13
                                    

Lyrie

Ilang araw na rin simula nang makita ko 'yung post na nag confirm ng lahat. Hindi na ako masyadong nag o-online dahil ayaw kong makita ang pagbubunyi nila. Nasasaktan pa rin ako. I feel used, I feel so embarrassed sa sarili ko, I feel like shit talaga.

  “You look like shit. Ganyan ka ba noong nag break tayo?”

  Tinignan ko ng masama si Aikah at inirapan. “Nag paparty ako nung nag break tayo,” walang gana kong sagot.

  “Lyrie, okay lang 'yan ah. Malalampasan mo rin ito, isipin mo lang na mas mahirap ang balancing keysa sa break up niyo,” singit ni Hugo.

  “Hindi naman sila nag break, wala namang sila.” Hinampas ni Hugo si Kate sa pang rerealtalk niya. Well, ayaw ko na mag react kasi tama naman siya. Napatulo na naman tuloy ang luha ko. Tangina naman ito oh.

  “Kahit na! Nako! Kapag nakita ko talagang tumapak 'yun dito sa paaralan natin ako talaga ang susugod doon at kakaladkarin ko palabas. Wag kang umiyak, Lyrie! Madami pang iba diyan,” singit naman ni Rafa.

  Naging close na rin kami, nasali na sa groupo si Aikah at Rafa dahil buntot ng buntot itong ex ko sa akin, habang si Rafa naman ay sa pinsan niya.

  “Ilang araw ka na ba walang kain, Lyrie?” tanong ni Mandi, habang binubuksan ang baonan niya.

  “Kainin mo ito oh, ang tamlay-tamlay mo. Gusto mo bang maging kamukha ni Sam?”

  Natawa naman kaming lahat sa sinabi ni Mandi at umirap lang ang bakla. “Ang ganda ko naman masyado para maging kamukha ni Lyrie. Pero oo nga, Ly, kainin mo na 'yan.”

  Ngumiti ako sa kanila at tinanggap ang baon na bigay ni Mandi. Sobrang thankful din ako kasi ganito ang mga kaibigan ko. Kahit na walang hiya sila, naasahan ko talaga.

  “Ayun! Bukas ako naman magluluto sa'yo Ly!” singit ni Aikah na nakangiti, kinurot ito ni Kate na ikinagulat namin.

  “Aray, magluluto lang naman. Problema mo ba? ” nguso ni Aikah sa kanya.

  Noong last week ko pa napapansin na mas naging close silang dalawa ah…

  “Ayaw kong lasunin mo si Ly! Kita mo na nga na nahihirapan na ang tao tas papakainin mo pa nang pagkaing bulok na niluto mo. Bitter ka pa rin ba sa pag break niyo ah?” inis na sabi ni Kate na ikinatawa naman namin.

  May napapansin ako dito ah, may crush kaya 'to kay Aikah?

  “Anong bitter? Ang tagal na nun! Tsaka, pake mo ba? Ayaw mo ngang tikman ang niluto ko tas magagalit ka ngayon?”

  Napa-angat naman ang kilay ko sa narinig. Wow, maypa luto pala silang dalawa.

  “Ehem…” nalipat ang attensyon namin sa babaeng biglang sumulpot.

  “Sasha!”

  Nagbeso kami at binati niya naman ang mga kasama ko. Nagkakilala na sila noong bumisita si Sasha sa akin kahapon. Akala siguro niya hindi ko kakayanin ang heart break kaya palagi niya akong binibisita. Kahit super sakit hindi ko rin naman ipapahamak sarili ko.

Strange FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon