Chapter Forty-Five

2.1K 102 1
                                    

Lyrie

Naguguilty pa rin ako sa nangyare. Hindi ko naman talaga sinasadya na maging ganoon ang sitwasyon, hindi rin ako nag expect na maghihintay si Tatiana. Hanggang ngayon nakatatak pa rin sa utak ko kung paano namuo ang luha sa mata niya nang umikot siya at umalis noong isang gabi. Hindi rin naman ako makapag text or chat sa kanya, kasi nga hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Mag isa ako ngayon na palabas sa school. Uwian na at hindi pa rin nagpaparamdam sa akin si Tatiana. Halos isang week na itong missing in action na ipinagtataka na rin ng mga kaibigan ko. Tahimik at wala na gaanong tao sa paligid, naghihintay nalang ako ng jeep na dadaan upang maka uwi na nang may biglang lumapit sa akin na babae.

Naghahabol ito ng kanyang hininga habang naka tayo sa harap ko. "Miss...ka-kailangan kita makausap. "

Napakunot ang noo ko sa narinig. Makausap? May kasalanan ba ako? Wala naman siguro akong tinakbuhan na tao. Tinignan ko ang paligid at binalik sa kanya. Naka hinga na ito ng maluwag at ngayon ay nakatingin na sa akin.

"Ahh, bakit? Anong meron?" Mukha siyang mas bata sa akin kaya hindi na ako nag po.

"A-ako po ang ano..."

Lumunok pa ito, kaya mas napaseryoso naman ang mukha ko. "Ikaw ang?"

"Alam ko pong hindi ninyo ako kilala, pero ako matagal ko na po kayong sinusundan. Maraming salamat po sa lahat ng ginawa ninyo at habang buhay ko po iyon tatanawin na utang na loob, pero pwede ko po ba siyang kunin?"

Napakurap naman ako sa pagtataka. "Teka lang. Ang gulo mo kasi. Sino ka ba at sino ang kukunin mo?" Kinakabahan na ako sa babaeng ito ah.

"Ang anak ko po. "

Wala? Wala naman akong inagawan ng-Lynrie.

Nanlaki ang mata ko. "I-ikaw ang ina niya? Paano? I mean, bakit? Anong-ugh sandali. " Tumalikod muna ako at huminga ng malalim bago tumingin ulit sa kanya.

"Ako po ang nag-iwan sa kanya sa cr. Nandoon po ako nang pinulot ninyo siya, inalala ko po lahat, pati ang plate number ng sinasakyan ninyo. Alam ko pong ilang buwan na po, pero ngayon lang po ako naglakas loob na lumapit at-"

Hindi ko na siya pinatapos kasi natatakot ako sa susunod niyang sasabihin. "Ano? Kukunin mo ang baby ko?" naluluha na may halong galit kong sabi.

Napayuko ito sa biglaang pagpalit ng emosyon ko. "Noong mga panahong iyon po ay sobrang naghihirap po ako. Maniwala man kayo o hindi, mahal na mahal ko po ang anak ko at kaya ko lang iyon nagawa dahil alam ko sa mga panahong iyon ay hindi ko siya mabubuhay. Natakot po ako noon na baka ano ang mangyare sa amin kapag sinama ko siya. Sana po maintin-"

Pinutol ko ulit siya. "Maintindihan? 'Yun ba? Bakit kailangan mong bumalik ngayon? Iniwan mo na si baby noon, ano ito ngayon kung kailan-" naputol naman ang galit at sermon ko nang may biglang humila sa akin.

"What's going on here? Why are you crying, hon?"

Bigla naman napatulo lalo ang luha ko nang bigla kong naramdaman ang kamay ni Tatiana sa likod ko. Ano ba 'yan, bigla-bigla na namang susulpot.

"Did you make her cry? Who are you and what did you do to her?" inis na saad ni Tatiana sa babae.

Pinahid ko ang mga luha ko bago ko tinignan ulit ang babae. Nakayuko ito at lumuluha rin. Ramdam ko rin naman ang sakit na iniinda niya, ako nga nasasaktan ngayon, siya pa kaya. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago kumalma.

"Pasensya ka na. Bigla lang akong nagalit. Pag usapan natin ito ng maayos, taga saan ka ba?"

Dali-dali niyang isinulat ang kanyang address at binigay ito sa akin. "Sabihan n'yo lang po ako kung gusto niyo na makipag-usap. Gusto ko na po talaga makita at mayakap ang anak ko."

"Kakausapin ko muna ang pamilya ko. Pwede ba tayong magkita bukas?"

Agad itong tumango at nagulat pa ako nang bigla siyang lumuhod. "Salamat po. Salamat."

Wala pa naman akong ginawa ah.

Niyugyog naman ako ng kasama kong kanina pa pala nakahawak sa akin. "What in the world is going on in here? Why are you crying and why is she saying thank you? Did she harm you? I swear if she layed a hand on you I'm gonna kill he-"

Tinakpan ko ang bibig niya bago pa siya makatapos. "Tatiana, tumahimik at kumalma ka nga. Kakausapin kita mamaya, sandali lang."

Linapitan ko ang babae at binigay ang contact number ko. Nag paalam din ako dito bago ko binalikan ang isa na nag aalala pa rin ang tingin sa amin.

"What happened ba?"

"Nanay siya ni Lynrie."

"What?"

"Nanay-"

"I heard you, you don't have to repeat what you just-ouch!"

Hindi ko mapigilang hampasin siya sa braso niya, mahina lang naman kasi naiinis na rin ako.

"Shems, sorry. Ikaw kasi! Bakit ka ba nang-iinis lalo. Nagtatanong ka tapos sasagot ka ng ganon, pumupuno ka sa stress eh."

Nakita ko ang pagbago ng ekspresyon sa mukha niya at nagulat naman ako nang bigla akong hilain at yakapin neto.

"I'm sorry, hon. I missed you."

Napangiti naman ako, na agad ko ring binawi.

Hindi pa pala kami magkaayos.

Inalis ko ang sarili ko sa mga bisig niya. "Sandali nga, nang tsatsansing ka eh!"

Tumawa siya ng mahina at inirapan ko lang siya.

"Can I take you out? Let's eat dinner, I got busy kasi, I'm sorry."

Napakunot ang noo ko. So hindi pala siya sumuko? Akala ko wala na eh.

Nagkibit-balikat ako. "Sure."

"Sure? Like, you want to? No arguments or anything?"

Aba, bakit parang gusto niya atang umayaw ako?

"Tatiana, gusto mo bang iturn down ko ang offer mo?"

"No! Of course not!" Umiling pa ito ng mabilis habang sinasabi iyon.

"Ayan naman pala eh. Tara." Binuksan ko ang pintuan sa front seat at umupo na at sumunod naman siya.

Inayos niya ang seat belt niya bago tumingin sa akin. "So what does her mother need ba?"

Napalunok ako sa tanong niya. Ako rin mismo ay hindi alam kung ano ang pakay ng nanay ni baby. Ang kinakatakutan ko ngayon ay baka bawiin siya sa amin at ilayo. Mahal ko na si Lynrie, hindi ko ata kakayanin kung gagawin niya 'yun.

Naramdaman ko ang kamay niya sa pisnge ko at dahan-dahan itong hinaplos. "Hey, you look like you're about to cry. What's wrong, hon?"

Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko at naiyak na tagala ako. Naramdaman ko ang pag hinto ng sasakyan, sabay ng paghila sa akin ni Tatiana sa kanyang mga bisig.

Wala akong lakas para kumawala, alam kong ngayon ay mas kailangan ko ito keysa sa pag iwas dahil sa nangyare sa amin sa nakaraan.

"It'll be fine. Everything will be alright," bulong niya sa tainga ko.

"Paano kung bawiin niya si baby?"

"She will not. I'll make sure of that. Baby Lynrie will not go anywhere, okay?" wika niya at hinigpitan ang pagyakap sa akin.

Hindi na ako sumagot. Hinayaan ko nalang na makulong sa pamilyar na kamay na ito. Natatakot ako sa posibleng mangyare, pero sana totoo ang sinabi ni Tatiana.

Papaniwalaan kita ngayon, Tatiana.

Strange FateWo Geschichten leben. Entdecke jetzt