Chapter Twenty-three

2.5K 141 4
                                    

Lyrie

Ilang weeks na rin ako hindi nakakatanggap ng message mula kay Tatiana. Wala rin akong nakitang posts niya, which is weird kasi every other day ay nag u-update naman siya.

  “Tulala ka na naman.”
 
  Tinignan ko ang nagsalita, si Ate. Umiling ako. “May iniisip lang. ”


  “Yung kausap mo noon sa chat? Yung sikat na model?”

  Model? Model ba yun?

  Nagkibit-balikat ako. “Siguro. ”

  “Ang gulo mo talaga kausap. Anong siguro? ”

  “Si Teacher,” pag jojoke ko pa pero hindi ata na gets.

  “Anong teacher?” Nakakunot na noo niyang tanong. “Siguro, tas naging si teache—ah baliw! Guro pala. ”

  Natawa naman ako sa mukha niya nang marealize ang joke. Ang slow-slow talaga.

  “Ayan ka na naman sa kawaleyhan mo,” nakangiwi niyang sagot.

  Ngumuso ako at sinundan nalang siya sa paglalakad. Sasama kasi ako ngayon sa bakery at gusto kong tumambay doon. Wala rin naman akong ibang gagawin except sa mag mukmok sa hindi nagpaparamdam na si Tatiana.

  “Mag o-outing kami sa susunod na araw. Gusto mo bang sumama? ”

  Napaisip ako sa date. Birthday ata 'yun ni Tania, baka may ibang plano kami.

  Umiling ako. “Meron akong lakad ate eh. Next time nalang. ”

  Tumango siya at bigla namang nag buzz ang phone ko. Sana naman tigilan na ako kakamessage ni Globe.

  Pagka unlock ko ay laking gulat nang pangalan ni Tatiana ang lumabas. Sa sobrang gulat, nabitawan ko pa ang cellphone ko.

  Jusme, akala ko na ghost na ako!

Tatiana: I'm sorry. I forgot to reply. I've been busy last week eh. How are you?

  Grabe, ako nga kahit nalulunod siguro mag rereply pa ako sa text niya. Pero hindi ko rin naman siya masisisi, busy na tao rin naman siya kaya hindi ko na pinairal ang pride ko at nagtype na agad.

  Nakisilip ang pinsan ko sa cellphone sabay tawa. “Ang rupok mo naman.”

  Binigyan ko ito ng masamang tingin. “Shh, chance ko na ulit ito.”

:Hello! I'm fine. Okay lang, ikaw ba? Kumusta?

  Hindi naman marupok ang pagrereply sa nag text ate. Wag ka ngang epal, ” pahahol ko bago ipasok ang cellphone sa bulsa.

  Napangiti ako sa naisip. Naalala niya ako!

  Tigilan mo yang ngiti ngiti mo. Mukha kang tanga.”

  Sinamaan ko ulit siya ng tingin pero hindi na pinansin. Masaya na ako at nireplyan na ako sa wakas ni Tatiana!

* * *

Strange FateWhere stories live. Discover now