Chapter Eleven

2.8K 145 18
                                    

Lyrie

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang inaya akong mag dinner ni Tatiana. Dalawang linggo na rin ang nakalipas nang bigla nalang siyang natarantang umalis dahil lang nagkatinginan kami ng matagal.

  Sinubukan kong i-message siya pero hindi ako ni-replyan, pati sa IG ay na seen ako. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko pero tumigil na rin ako sa kakahintay. Nakakahiya kasi nga parang pinipilit ko pa ang tao makipag-usap sa akin kahit klarong ayaw niya. Ilang araw ko na rin dinamdam ang pag seen niya sa akin, masakit kasi eh. Hindi naman sa bawal ako i-seen, nakakasakit lang talaga siya lalo pa't may nararamdaman akong paghanga sa kanya.

   Crush ko pa naman na sana siya, like super crush. Ngayon, medyo nabawasan tuloy. Pero sabagay, may mga crush na hindi talaga nagtatagal.


  Baka nga panandaliang experience lang 'yung pinagsamahan namin, pati na rin ang nararamdaman ko.

  Hay, buhay.

   “'Yan lang ba lahat ng ipapabili ng kapatid mo?”

  Tumango ako sa kasama ko. Nandito kami ngayon sa NBS, binibili ang pinapabiling libro ng kapatid ko na gagamitin daw para sa school nila.  Kasama ko ngayon si Kate, isa sa mga kaibigan ko na nameet sa school. Kaklase kami sa ibang subjects kaya naging kaclose ko siya. Pareho rin kaming fifty fifty at nag e-explore ng sarili kaya nagkakasundo talaga kami, lalo na sa mga kalokohan.


   “Oo, ” sagot ko, at may bigla naman akong naalala. “Oo nga pala, tapos ka na ba sa panonood sa nirecommend kong series sa'yo noong isang araw?”

  Tumango siya at ngumiti. “Oo! Bakit kasi ngayon mo lang sinabi sa akin. Ang tagal tuloy ng namiss kong araw,” sagot niya at natawa ng bahagya.

  Siguro naalala niya na naman ang scene sa series. Nakakatawa at nakaka-inlove naman kasi ito. Nag recommend ako sa kanya na panoorin ang Carmilla kasi nga pati ako ay hindi makaget-over sa series na 'yun sa YouTube. Gusto ko ng karamay mag simp kay Carmilla at Laura, kaya si Kate na ang ni-recruit ko.

   Magsasalita pa sana ako nang natigilan si Kate at tumingin ng deretso sa likod ko.

  Ano 'yan?

  May multo?

  “Anong meron?” tanong ko.


  Nang tumalikod ako para tignan ang tinititigan niya, nabigla naman ako sa nakita ko.

  Potek! Ano ba 'yan? Nabuhay ang nanghost sa akin!

  Medyo halata sa mukha niya ang pagkagulat, ganun din sa akin. Hindi siya nagsalita kaya napatingin ako kay Kate. Alam kasi ng mga kaibigan ko ang ginawa kong pag message sa kanya. Akala nga nila scam lang 'yung ginawa ko at nangtritrip lang.

  “Uhh... Hi,” mahina niyang bati habang nakatingin sa akin.

  Tinaasan naman ako ng kilay ni Kate at nagtatanong ito gamit ang mga mata niya.

Strange FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon