Chapter Thirty One

2.3K 108 12
                                    

Lyrie

Akala ko talaga magtatagal pa si Tatiana. Nakakalungkot lang kasi napaaaga ang alis niya. Tatlong beses ko lang tuloy siyang nadate tapos sabi sa akin ay matagal pa raw bago siya makauwi.

  Naramdaman kong may tumapik sa braso ko. “Nagmumokmok ka na naman. ”

  Tinapunan ko ng tingin ang kaibigan ko habang kumakain kami sa canteen ng school. Last week pa bumalik ang klase at ngayon ay hindi pa naman masyadong busy kaya tumatambay muna kami. Wala pa masyadong pinapagawa ang mga professors namin kaya marami pa kaming vacant.

  Ilang weeks na rin kaming nagcacall, at magkalayo ni Tatiana. Kinikilig pa rin ako sa tuwing naalala ko ang mga araw na magkasama kaming dalawa, parang isang panaginip lang eh.

  “Da-day dream ka na naman sa Tatiana mo. Hala ka baka maagawan ka doon ah, maraming pretty babes at boys doon. ”

  Sinamaan ko ng tingin si Kate na tumawa lang. Sarap na sarap sa pang-aasar eh.

  “Ikaw, kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka ah? Buwisit ka talaga minsan sa buhay ko,” inis kong saad at inirapan lang ako sabay tawa. Shunga talaga kaya walang jowa eh.

  Girls! May bago akong recruit sa groupo!

  Nabigla kami sa pagsulpot ni Hugo na may kasamang lalake na nakasumbrero kaya hindi kita ang mukha. Sino na naman kaya nabingwit neto.

  “Pinsan ko nga pala! Si Sam! ”

  “Sam?” tanong ko.

  “Oo si Sam, bakit? ”

  “May knock knock ako eh, ” nakangisi kong sabi at umiling naman silang lahat, pati ang Sam.

  “Sige na guys, who's there na kayo, ” pamimilit ko.

  Nagtinginan pa ang tatlo, si Mandi, Hugo, at Kate, bago sumagot si Mands. “Hays, who's there?”

  Ngumisi ako. “Sam.”

  “Sam, who?”

  “Sam who mga daliri, kamay at paa~”

  “Putangina mo talaga, Lyrie, saan ka ba pinaglihi?” wika ni Hugo pero hindi ko ito pinansin dahil busy ako kakatawa.

  “Ang corny mo talaga, girl.”

  Natigil naman ako nang biglang nagsalita ang Sam, at tinanggal ang sombrero nito.


  Nanlaki ang mata ko sa nakita. “Rafaaaaaaa!” bigla kong sigaw at niyakap ito, nagtatalon-talon pa.

  “Hoy! Kaawaan mo naman 'yan! Buto na nga lang laman ng katawan n'yan tas ginaganyan mo pa!” panenermon ni Hugo na hindi ko pinansin.

  “Magkakilala kayo?”

  Tumango ako kay Kate at ganun din si Rafa, Rafael Samuel kasi ang pangalan niya pero mas prefer niya ang Sam, ako naman Rafa.

Strange FateWhere stories live. Discover now