Chapter Three

3.8K 179 62
                                    

Lyrie

Sa dinami-rami ng pwedeng mangyare, nakasama pa namin itong masungit na spoiled brat sa bahay. Hindi nalang ako nag-react masyado dahil alam kong kailangan niya rin naman ng matutuluyan, at kawawa naman siya kung iiwan nalang. Nababanas pa rin ako pero pinipigilan ko nalang ang sarili ko na ipakita ito sa kanya. Be the bigger person sabi nga nila, kahit mas malaki ito sa akin.

Nagulat si mama sa nakita niyang pumasok. Natigil pa siya eh, akala siguro niya anghel na bumaba sa langit. Ang ganda kasi ng kasama namin, lalo na ngayon at may ilaw na at klaro na ang detalye ng mukha niya. Parang nakalabas sa magazine ang ate n'yo, at sa sobrang tangkad pa, nahiya ang 5'2 ko.

"Ate, taga saan ba siya?" pabulong na tanong ng isa sa nakababata kong kapatid na si John.

Nagkibit-balikat lang ako at nag-bihis na dahil basang basa pa ako sa ulan.

"L? Pahiramin mo muna ng damit at pang-ibaba itong si Tatiana. Mas kasya ang damit mo eh," sabi ni mama nang pumasok siya sa kwarto.

Tumango naman ako at naghanap ng maayos na pantulog. Lumabas ako at sinabi ni mama na ihatid ko nalang daw sa banyo kasi nandoon daw ang masungit, naliligo.

"Oy, yung damit oh," sabi ko. Kinatok ko pa at hindi man lang ako pinansin.

Enjoy na enjoy sa pagligo?

"Hoy!" Mas nilakasan ko pa ang pagkatok ko. Kinatok ko ulit ang pinto nang bigla niya itong binuksan kaya tumama sa kanyang dibdib ang kamay ko. Oh shit, no.

Sa sobrang gulat ay mabilis kong nilagay ang damit sa kamay niya at umalis nang mabilis. Namula ako sa nangyare. Grabe, ang smooth at pu-shit bawal itong iniisip ko.

"Pulang-pula ka, nilalagnat ka ba?"

Umiling ako sa tanong ni mama at inayos na ang foldable foam sa sala. Hindi naman kami mayaman, tatlo lang ang kwarto sa bahay, isa ay kwarto ni lola, pangalawa sa magulang ko, at sa aming magkakapatid naman ang isa. Nakasanayan na rin namin ang ganitong set-up kaya hindi na kami nag rereklamo o nanghihingi ng sariling kwarto, kaso may bisita ngayon eh, kaya sa sala ako pinatulog kasama raw ang suplada.

Inayos ko ang higaan at naglagay ng unan sa gitna para harang, baka kasi anong gawin sa akin. Para sa safety ko lang. Ilang minuto ang nakalipas at lumabas na rin ang babae sa cr, mukha pa siyang nahihiya sa pagpasok sa sala. Napakagat labi rin ako, ang cute niya kasi sa damit ko.

"Saan ka ba galing at napunta ka sa lugar namin ng ganitong oras, iha?" tanong ni mama habang inaabutan ito ng gatas.

Special na special si ate oh.

"Uhm... I was driving my car and hindi ko po napansin na I've reached the outer part of the city. My car stopped ain the middle of nowhere and it started raining so I decided it's best to find another ride po kaya sumakay ako sa jeep pero hindi ko alam na dito ang stop eh, I fell asleep po kasi," mahaba niyang paliwanag.

"Ahh, ganun ba? Bukas na bukas ihahatid ka ng asawa ko sa sakayan. Mag-iingat ka sa susunod, ha? Hindi na ligtas ang paligid ngayon."

Tumango naman ito at nag-usap pa sila. Hindi na ako nakinig at nag scroll nalang sa cellphone ko.

Bigla kong naisip na hanapin ang account ng babaeng nakitulog sa amin ngayon, para paniguradong totoong tao talaga ito. Narinig kong sabi ni mama na Tatiana raw ang pangalan, kaya ni lagay ko ang Tatiana. Marami ang lumabas pero lumitaw ang isang account na naka-verified at pamilyar ang mukha.

Strange FateWhere stories live. Discover now