Chapter Seven

3.3K 147 44
                                    

Lyrie

Tapos na kaming kumain ni Tatiana at nasa kwarto na niya, naghahanap ng magandang papanoorin. Naalala ko bigla ang nangyare kanina, sa may jabee. She's indeed mean sa iba, kahit bata kanina sinusungitan na eh. Nakakatawa lang. Parang tanga.

  "Why are you smiling? Stop thinking about your jowa and help me look for a good movie."

   Jowa raw, wala nga akong ka chat o kausap minsan, jowa pa kaya. Apaka assumera naman nitong babaeng ito. Siya jowa-in ko diyan eh-joke lang.

  "Hindi jowa ang iniisip ko, iniisip ko lang ang magagandang pangyayare," Kagaya mo. Gusto ko sana idagdag 'yun pero baka maging obvious na ako sobra.

  "Oh, then stop. Help me here. "

  Lumapit naman ako dahil utos iyon ni madam. Nagdududa na ako eh, baka siguro sinama niya ako rito dahil gusto niya ng bagong personal assistant. 

  "Ano ba hahanapin nating good movie?" tanong ko.

  "I don't know. You suggest nga. "

  "Nood nalang tayo ng fave movie ko, Descendants. Yung sa Disney!" mabilis kong suhistiyon.

   Tinignan niya ako na parang tinubuan ako ng panibagong ulo. Bakit ba? Maganda iyon sobra!

  "We're not kids," sagot niya.

  "Wala naman akong sinabing bata tayo. Maganda ang movie na 'yun, hanggang 3 na nga, bilis na. "

  "What are you? A little girl?"

  Ngumiwi ako. "Duh! Porket nasa disney, para sa mga bata nalang? Bakit? Kapag ba nanonood ka ng World War Z, dapat zombie ka rin?"

  Inirapan niya na lang ako ulit at ibinaling na ang atensyon sa screen. Napangiti naman ako nang ni-type niya na ito. Yes! Andami pang satsat, susunod din naman pala.

   "Go back there. I'll play it na."

  Masaya naman akong umupo sa kama niya.

   "Make sure na it's super nice ah."

   "Hindi ka magsisisi! I swear." Nilagay ko pa kamay ko sa ere para ipakitang seryoso ako.

  Habang nasa kalagitnaan ng movie, bigla itong lumingon sa akin. "Hala why is she alive!? I thought she's trapped?" Itinuro ni Tatiana ang TV, kung saan nabuhay si Maleficent na natrap sa Isle. (Descendants 1 scene)

  "Magic lang yan. Hindi true," sagot ko naman, at hindi inalis ang mga mata ko sa screen. 

  Tumango ito at tumahimik na. Natapos na namin ang dalawang part, at nasa 3 na kami, sa ending. Naka upo na si Tatiana na seryosong nanonood. Ako naman, kanina pa tahimik na humihikbi.

  "You know there's no worth the cry scene here, diba? They are fighting pa nga oh. " Turo niya sa tv kung saan nagtatalo ang mga bida.

  Suminghot muna ako bago sumagot. "Eh naalala ko lang si Cameron, 'yung gumanap as Carlos." Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan na ang sarili ko. Nakakahiya na rin kasi. Pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na maiyak.

Strange FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon