Chapter Thirty Four

2.1K 106 33
                                    

Lyrie

Naka ilang subok na ako sa pagtawag kay Tatiana ngunit walang sagot ito. Hindi ko pa rin pinapaniwalaan ang picture na kumalat sa social media dahil alam kong hindi naman 'yun totoo, at kung totoo man ay baka old pic na 'yun tas ngayon lang pinasikat. Yes, tama. Wag magpapaniwala hanggang sa hindi pa ni-kumperma ni Tatiana.

  To Tatiana: Huyyy, seen mo nalang ba ako?

:Tatianaaa. Bakit hindi ka nagrereply? Super busy ka ba?

:Tatiana, may problema ba?

:Tatiana, sagutin mo naman oh. (message not sent)

  Huh? Bakit hindi na send? Naka on naman data ko ah.

:Tatiana.

  You cannot reply to this conversation anymore. Learn more.

  Niblock niya ba ako?

  Baka may problema nga siya.

  Hindi na ako mapakali kaya kinapalan ko na ang mukha ko para manggambala sa mga kaibigan niya.

  To Sasha: Hi Sash! Sorry sa istorbo. Pwede mag tanong?

From Sasha: Hello, Lyrie! I missed you. Sure. What is it?

To Sasha: Missed u too! Magtatanong lang sana ako kung may balita ka ba kay Tatiana.

From Sasha: Ohh. The last time we talked was last last week pa. Why? Are you two alright?

To Sasha: Ahh. Ganun ba. Niblock niya ata ako eh. Baka may pinagdadaanan, gusto ko lang siya kumustahin. Pag may balita ka, sabihin mo sa akin ah?

From Sasha: What? Really? What did she do ba? I got busy with my immersion kasi. I'll talk to her later.

  To Sasha: Uh may kumalat kasing litrato na naghahalikan sila ni Zion. Ayaw ko naman maniwala kasi baka matagal na 'yun, o baka edited lang. I trust your friend naman.

From Sasha: What the fuck? Did you searched about it? I'll get back at you later ha. I'll go talk to her.

To Sasha: Hindi nga ih, gusto ko si Tatiana mismo ang magsabi sa akin. Sige, thank you, Sash.

  Pinatay ko ang cellphone pagkatapos at tumunganga nalang. Hindi ko alam ano ang gagawin. Bakit niya ba ako niblock? May nagawa kaya akong kasalanan sa kanya? Trip niya na naman bang mang ignore? Ano na naman kaya ang napasok sa utak niya?

  “Sino na naman iniisip mo at bakit mukhang pasan mo na naman ang buong mundo?” biglang tanong ni kuya habang inaayos ang kanyang buhok. Kakaligo lang ata.

Strange FateWhere stories live. Discover now